Judokas, wushu artists sasabak sa aksyon

JAKARTA, Indonesia --- Pipilitin ng mga national ju­dokas at wushu artists na ma­duplika ang matagum­pay na kampanya ng mga taek­wondo jins sa pagsi­si­mula ng kani-kanilang mga events sa 26th SEA Games dito.

Muling babanderahan ni John Baylon ang judo team, habang si world cham­pion Dembert Arci­ta ang mangunguna sa wu­shu squad.

Bukod kay Baylon, ang iba pang miyembro ng judo squad ay sina Lloyd Dennis Ca­tipon, Dahryll Lucero, Gil­bert Ramirez, Franco Te­ves, Kenji Yahata, Bill Astudillo, June Awakan, Helen Da­wa, Ruth Dugaduga, Je­nielou Mosqueda, Nancy Quillotes, Annie Ramirez at Kiyomo Watanabe.

Sa 2009 SEA Games sa Laos, kumuha ang mga judokas ng 2 gold, 1 silver at 5 bronze medals.

Katuwang naman ni Arcita sa wushu team sina Engelbert Addongan, John Keithly Chan, Mark Eddiva, at Eduard Folayang.

Nag-uwi ang wushu ng 2 gold, 2 silver at 4 bron­ze me­dals sa 2009 SEAG.

Show comments