^

PSN Palaro

Aces gustong maka-2 dikit kontra Kings

- Ni Russell Cadayona -

MANILA, Philippines - Hangad ng Aces ang kanilang ikalawang sunod na panalo, samantalang mag-uunahan namang bu­­mangon ang Tropang Tex­ters, Gin Kings at Lla­ma­dos.

Magtatagpo ang Alaska at ang Barangay Ginebra ngayong alas-7:45 ng gabi matapos ang salpukan ng Talk 'N Text at B-Meg sa alas-5:30 ng hapon sa semifinal round ng 2011 PBA Governors Cup sa Araneta Coliseum.

Nagmula ang Aces sa 88-81 panalo sa Petron Blaze Boosters noong Hul­yo 24, habang nakalasap ang Gin Kings ng isang 88-96 kabiguan sa Boosters sa kabila ng isang 28-point deficit sa third period noong Miyerkules.

Kasalukuyang tangan ng Talk 'N Text ang liderato sa kanilang 7-3 baraha kasunod ang Ginebra (6-4), Alaska (6-4), Petron Blaze (6-4), B-Meg (6-5) at Rain or Shine (5-5).

Sa naturang tagumpay sa Boosters, nagtala si im­port Jason Forte ng 36 points at 10 rebounds para sa Aces.

Bukod kay Forte, mu­ling aasahan ng Alaska sina LA Tenorio, Sonny Thoss, Tony Dela Cruz, Bon­bon Custodio at Brandon Cablay katapat sina import Donald Sloan, Mark Caguioa, Jayjay Helterbrand, Eric Menk at Ronald Tubid ng Ginebra.

Sa unang laro, pipilitin namang makabawi ng Talk 'N Text at B-Meg mula sa kani-kanilang kabiguan. 

vuukle comment

ARANETA COLISEUM

B-MEG

BARANGAY GINEBRA

BRANDON CABLAY

DONALD SLOAN

ERIC MENK

GIN KINGS

GINEBRA

N TEXT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with