Mainit na bakbakan sa PGC, PSA Cup 2
MANILA, Philippines – NAIC, Cavite--Tatayong mga paborito sina multi-titled horses Ibarra, Go Army at Yes Pogi sa 38th PCSO-Presidential Gold Cup na magdedetermina kung sino ang mag-aagawan para sa PSA (Philippine Sportswriters Association) Horse of the Year honor.
Ang nasabing 2000-meter race ay nakatakda ngayong alas-4:40 ng hapon sa Santa Ana Park kung saan posibleng magdomina ang sinuman kina Ibarra, Go Army o Yes Pogi.
Ang mananalong kabayo ang kukuha sa top prize na P1.5 milyon mula sa Philippine Charity Sweepstakes Office.
Ang Native Land, ang 2007 champion, Heaven Sent, Lively Dude, Shining Fame at ang Rightthererightnow ang kumumpleto sa eight-horse cast.
Ang PSA Cup 2 at ang Juvenile championship ay pakakawalan ng nagtataguyod na Philippine Racing Commission sa pamumuno ni chairman Jose Ferdinand Rojas II, ukol sa 13-race program na magsisimula sa alas-2:30 ng hapon.
Kumpara sa Ibarra, ang 2008 Gold Cup champion at nabigo sa nakaraang dalawang buwan, ang Go Army at Yes Pogi ay nagtala naman ng mga panalo.
Pag-aari ni businessman-sportsman Hermie Esguerra, ang Go Army ang naghari sa Marho Classic sa ilalim ni veteran rider Jonathan Hernandez, habang ang Yes Pogi ang umangkin sa Klub Don Juan derby.
- Latest
- Trending