^

PSN Palaro

RP delegation sa Asiad ipina-insured ng PSC

- Ni ATan -

MANILA, Philippines - Walang dapat ipag-alala ang mga manlalaro sa kanilang ginagawang pag­hahangad na mabigyan ng karangalan ang bansa sa 16th Asian Games sa Guangzhou, China.

Bukod sa mga pinansi­yal na gantimpala na nakasaad sa Incentives Act sa bawat medalyang mapa­panalunan ng mga manla­laro, sila rin ay binigyan ng insurance ng Philippine Sports Commission (PSC) sa pamumuno ni chairman Ricardo Garcia sakaling may di magandang mangyayari sa kanila habang na­sa China.

Kinuha ng PSC bilang katuwang ang Standard Insurace Co., Inc. na siyang nagbigay ng insurance hindi lamang sa 188 atleta kungdi maging sa iba pang kasapi ng 282-katao Pambansang delegasyon.

Ang group insurance na pumalo sa humigit-ku­mulang na P200,000 ay magbibigay ng mga benepisyong medical, kasama nga ang dental, kung kakailanganin ng isang atleta o kasapi sa delegasyon habang nasa Guangzhou.

Bukod ito sa accident in­surance sa ginagawang pagbiyahe patungong Guang­zhou at sa kani­lang pabalik ng Pilipinas at pagbibigay kompensasyon sakaling mawala ang mga maleta o mahuli ito ng dating sa dapat na pa­tunguhan.

Ang sakop nito ay mu­la sa Nobyembre 12 hang­gang 27 o habang idinadaos ang tuwing apat na taong kompetisyon sa rehiyon.

Ginawa ito ng PSC dahil sa bagong pamunuan, una sa kanila ang kapakanan ng mga atleta na siyang itinuturing ngayon bilang mga makabagong bayani ng bansa.

Hanap ng 188 atleta na mahigitan ang apat na ginto, anim na pilak at siyam na bronze medal na naihatid ng delegasyong lumaban sa 2006 Doha Asiad.

           

vuukle comment

ASIAN GAMES

BUKOD

DOHA ASIAD

GUANGZHOU

INCENTIVES ACT

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION

RICARDO GARCIA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with