^

PSN Palaro

So, Antonio nakabangon

-

MANILA, Philippines - Matapos lumasap ng unang kabiguan sa dalawang naunang laban, bumangon ang 17-anyos GM na si Wesley So nang kanyang walisin ang dalawang sumunod na laban kina GM Handszar Odeev ng Turkmenistan sa third round at GM Susanto Megaranto ng Indonesia sa fourth round ng rapid chess competition sa Guangzhou Chess Institute.

Bunga nito, umangat ang iskor ni So, ang highest-rated player ng bansa na may ELO 2669 sa 3 puntos at nakatabla ito mula sa 4th hanggang 11th puwesto sa 46-player, 25-nation competition na idinaos sa ikalawang pagkakataon sa nasabing quadrennial event.

Isang puntos lamang ang agwat ng multi-titled campaigner mula sa Bacoor, Cavite at sariwa pa sa kan­yang tinapos na fourth-place finish sa 2010 SPICE (Susan Polgar Institute for Chess Excellence tournament sa Lubbock, Texas, sa top seed GM na si Le Quang Liem ng Vietnam.

Winalis naman ni Le, ang highest-rated player dito na may ELO na 2689 ang kanyang naunang apat na asignatura upang makopo ang solong liderato sa perpektong iskor na 4 puntos.

Tinalo ni Le si GM Murtas Kazhgaleyev ng Uzbekistan sa third round at GM Surya Shekhar Ganguly ng India sa sumunod na round upang makopo ang liderato.

 Nananatiling nasa kontensyon si GM Rogelio Antonio, Jr., na nagposte ng 2.5 puntos mula sa apat na laro.

vuukle comment

CHESS EXCELLENCE

GUANGZHOU CHESS INSTITUTE

HANDSZAR ODEEV

LE QUANG LIEM

MURTAS KAZHGALEYEV

ROGELIO ANTONIO

SURYA SHEKHAR GANGULY

SUSAN POLGAR INSTITUTE

SUSANTO MEGARANTO

WESLEY SO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with