^

PSN Palaro

Sa RP team na lalahok sa Guangzhou ASIAD: Fil-am BMX rider ipinasasama ng ICFP

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Umaasa ang Integrated Cycling Fede­ration of the Philippines (ICFP) na mapahihintulutan ng Philippine Olympic Committee (POC) ang pagsama ni Danilo Caluag sa Pambansang koponan na tutulak sa Asian Games sa Guangzhou, China sa Nobyembre.

Inihabol ng ICFP sa tulong ng ex­treme sports association sa bansa ang papel ni Caluag na pinaniniwalaang isang sure medalist sa BMX competition sa cycling sa Guangzhou.

Ang mga magulang ay mga Filipino, ang 23-anyos na si Caluag na naninirahan ngayon sa California, USA ay batikan sa BMX at siya nga ay nasa ika-11 sa ran­king sa Latin America at pang-78 sa kabuuang ranking ng mga BMX riders sa buong mundo base sa international cycling federation na UCI.

Ang Pilipinas ay mayroon ding isang manlalaro sa BMX na si Eleazar Barba Jr. ngunit ang 22-anyos na manlalaro ay nasa ika-14th puwesto sa hanay lamang ng mga Asian riders.

Si Caluag naman ay lumalabas na ikatlong pinakamahusay na Asian rider kasunod nina Steven Wong ng Hong Kong na nasa 46th puwesto at Masahiro Sampei ng Japan na inookupahan ang ika-78th puwesto.

“Sure medal ito sa Asian Games da­hil talagang nananalo na ito sa malakihang torneo sa BMX. Willing din siyang kumatawan sa Pilipinas kaya sana ay maisama siya,” wika ni ICFP secretary general Armando Bautista.

Inihayag naman ni extreme sports association president Monti Mendegoria na binigyan siya ng accreditation form ng POC nito lamang Huwebes at ang dead­line para sa pagpapalabas ng kum­pletong talaan ng manlalaro ay sa Setyembre 15.

Nauna ng naihayag ng POC na ta­nging ang mga nakapasa sa unified tryouts na ginanap sa hanay ng mga siklista ng ICFP at PhilCycling ang mga pu­wedeng sumama sa delegasyon.

Pero ipinaliwanag ni Bautista na walang BMX course sa bansa dahil hindi ito popular.

Sa ngayon ay may dalawang kalalakihan, dalawang kababaihan at dalawang youth riders ang naisama ng POC sa Asian Games delegation mula sa cycling na ang akreditasyon ay pipirmahan din ni Tagaytay Mayor at Philcycling president Abraham Tolentino na siyang may basbas ng UCI.

vuukle comment

ABRAHAM TOLENTINO

ANG PILIPINAS

ARMANDO BAUTISTA

ASIAN GAMES

CALUAG

DANILO CALUAG

ELEAZAR BARBA JR.

GUANGZHOU

HONG KONG

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with