Twice-to-beat kakanain ng JRU vs Blazers

MANILA, Philippines - Maliban sa pagpasok sa Final Four, ang pagkakaroon ng ‘twice-to-beat’ advantage rin ang gustong makuha ng mga Heavy Bom­bers.

Nagmula sa mala­king panalo noong Lunes, sa­sa­gupain ng Jose Rizal Uni­versity ang College of St. Benilde ngayong alas-2 ng hapon bago ang salpukan Generals sa alas-4 sa second round ng 86th NCAA men’s basketball tournament sa The Arena sa San Juan City.

Umiskor ang Heavy Bom­bers ng 67-64 panalo kontra Chiefs noong Lunes, habang ang huli rin ang tinalo ng Blazers, 71-69, sa kanilang huling laro.

Kasalukuyang bitbit ng San Beda College ang per­pektong 12-0 rekord kasunod ang nagdedepensang San Sebastian College-Recoletos (11-1), Jose Rizal (9-5), Mapua (7-5), Letran (5-7), Arellano (4-8), St. Benilde (4-8) at mga sibak nang EAC (2-10) at University of Perpetual Help-System Dalta (0-12).

Muling ibabandera ng Heavy Bombers sina 6-foot-8 Cameroonian import Joe Etame, John Njei, Marvin Hayes, John Lopez at Alex Almario, samantalang sina Carlo Lastimosa at Mark De Guzman ang mu­ling magdadala sa Blazers.

Sa kabila ng kanilang 4-8 marka, may pag-asa pa rin ang St. Benilde ni Richard Del Rosario na makuha ang ikaapat at hu­ling semifinals ticket.

Show comments