^

PSN Palaro

Twice-to-beat advantage nakuha ng Engineers

-

MANILA, Philippines - Sa pagkakataong ito, ang mga second strin­gers naman ang inasahan ni Engineers coach Emil Arroyo para sa pagtakas ng 74-68 tagumpay ng Technological Institute of the Philippines kon­tra sa La Salle-Dasmariñas Patriots kahapon sa 17th National Capital Region Athletic Association (NCRAA) men’s basketball tournament sa Olivarez College Sports Complex sa Sucat, Pa­rañaque.

Binanderahan nina Paulo Perez at Darwin de la Punta ang mga reserve players upang ma­limitahan ang Patriots sa pagkamada lamang ng pitong puntos sa third period na naghatid sa Engineers ng ikawalong panalo matapos ang si­yam na laro.

Ang panalo ring ito ng Engineers ang nagbigay sa kanila ng bentaheng twice-to-beat sa semifinal round na magsisimula sa Enero.

Tumapos ang beteranong playmaker na si Greg Aguilar ng 20 puntos sa cagefest na ito na suportado ng Mikasa at Molten Balls.

Nauna rito, naglista si Genalyn Alday ng 34 pun­tos upang trangkuhan ang DLSU-Dasmariñas Lady Patriots sa 91-73 panalo laban sa Rizal Tech­nological University Lady Thunder sa wo­men’s action. (Sarie Nerine Francisco)

vuukle comment

EMIL ARROYO

GENALYN ALDAY

GREG AGUILAR

LA SALLE-DASMARI

LADY PATRIOTS

MOLTEN BALLS

NATIONAL CAPITAL REGION ATHLETIC ASSOCIATION

OLIVAREZ COLLEGE SPORTS COMPLEX

PAULO PEREZ

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with