^

PSN Palaro

Perez ninakawan ng ginto

-

VIENTIANE--Hindi na bago kung bigo man sa kanyang adhikain si Pinay diver Sheila Mae Perez. Pero ang ma­ta­lo dahil nadaya, ibang usapan na.

“Talagang masamang-masama po ang loob ko at naiyak ako da­hil sa hindi tama ang ginawa nila,” naluluhang wika ni Perez patungkol sa pagkawala ng kanyang ikatlong su­nod na SEA Games gold dito.

Apat na puntos ang naging balakid upang mamintis ang gold me­dal at makuntento sa silver makaraang yumu­ko kay Thanh Tra Ho­ang ng Vietnam para sa silver sa kanyang pa­­boritong 3M springboard event.

Dahil dito, prinotesta ni swimming association chief Mark Joseph para kausapin ang meet officials bagamat hindi naman umaasa sa pabo­rableng desisyon.

“It’s going to be a ve­ry challenging experience, ‘yung judging dito,” wika ni PASA technical committee member Anne Dimanche, na tinukoy ang mga hurado mula sa Malaysia at Viet­nam. 

“Unang dive ni Sheila, medyo late ang entry so okay lang kung med­yo mababa ang ibinigay sa kanya,” paliwanag ni Dimanche.

 Higit na naging mapait ang kabiguan para kay Perez na nagdiwang ng kanyang ika-24th kaarawan isang araw bago ang  pagda-dive na hukli na rin nya sa SEA Games.

Inalis na ang 1M springboard bago pa man nagsimula ang pa­laro at wala naman siyang kapartner sa synchronized.

Nagtapos naman ng bronze medal si Ryan Fabriga at 4th naman si Jaime Asok sa 10M platform. Susubukan nilang matabunan ang masamang performance na ito sa synchronized pair sa Linggo. (DMV)

vuukle comment

ANNE DIMANCHE

APAT

DAHIL

JAIME ASOK

MARK JOSEPH

PEREZ

RYAN FABRIGA

SHEILA MAE PEREZ

SHY

THANH TRA HO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with