^

PSN Palaro

3 ginto uli sa Pilipinas

-

VIENTIANE-- Vientiane--Tatlong magigiting na atleta mula sa kani-kanilang napiling sports ang nagsubi ng tatlong ginto para sa araw na ito sa pagpapatuloy ng aksiyon sa 25th Southeasty Asian Games dito.

Unang ibinigay ng Olympian jin na si Tshomlee Go ang unang ginto ng Pilipinas na sinundan ni Marna Pabillore at tinapos ni swimming superstar Miguel Molina.

Buong ningning na pinatunayan ni Go ang kanyang pagiging world class nang sipain nito si Lee Huhn Chau ng Viet­nam, 3-0 sa fea­ther­weight division sa Booyong Gymnasium sa loob ng National Stadium.

Sa kabilang dako, dumaan naman sa ma­salimuot na laban si Pa­billore nang isa-isa niyang dinispatsa ang mga kalaban upang ma­pagwagian ang ikalawang ginto kahapon at pabagsakin si Nguyen Thi Thai Yen ng Vietnan sa 55 kg. class.

Hindi naman naging masuwerte sa kanyang gold medal bout si Eunice Alora nang silver lamang ang naisubi nito nang yumuko ito sa Indonesian, 1-2.

Gayundin ang mga kakampi ni Pabillore nang silver lamang ang naihandog nina Lutche Metante sa Kumite 68 kg. at Rolando Lagman 75 kg.

Kinuhba ni Molina ang kanyang ikalawang ginto matapos manalo sa 400m individual medley sa swimming.

Bunga ng tatlong gin­tong kinamada nina Go, Pabillore at Molina, nakaipon na ng 7 na ginto ang bansa.

Dismayado naman si Sheila Mae Perez, Olym­pian at two-time gold medalist sa SEAG sa naging resulta ng kan­yang pag-dive sa silver.

Nasa posisyon naman para sa medalya ang snookers doubles team nina Roberto Go­mez Jr. at Carlo Biado  na sinargo ang Laos tan­­dem. (DMVillena)

vuukle comment

BOOYONG GYMNASIUM

CARLO BIADO

EUNICE ALORA

LEE HUHN CHAU

LUTCHE METANTE

MARNA PABILLORE

MIGUEL MOLINA

MOLINA

NATIONAL STADIUM

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with