Reli, Cardona wagi sa Milo Marathon Dagupan Leg

MANILA, Philippines - Dagupan City--Sumingasing si Rogelio Reli upang mapagwagian ang Dagupan City leg ng 33rd National Milo Marathon elimination noong Linggo na nagsimula at nagwakas sa CSI Shopping Mall.

Ang 29-year-old army corporal na naka-assign sa Tanay, Rizal, ay hinabol si Kevin Areglado sa turning point sa Barangay Bonoan, at napanatili ang bilis upang maunang makarating sa finish line sa bilis na isang oras, 16 na minuto at 20 segundo sa 21K.

Ngunit nabalewala ang kanyang pagsisikap dahil hindi ito umabot sa 1:15 na qualifying time at makunteto na lamang sa first prize na P10,000 sa pagwawagi sa Dagupan leg.

Pumangalawa si Areglado at ikatlo naman si Reynante Villarma.

Sa kababaihan, pinagreynahan naman ni Lany Cardona, ang karera sa bilis na 1:35.47 oras na naging sapat din upang makasama siya sa national finals. Napagwagian din niya ang prem-yong P10,000.

Iginawad nina Mayor Al Fernandez at vice mayor Belen Fernandez ang premyo sa mga nagwagi.


Show comments