^

PSN Palaro

Thorpe to the rescue?

FREETHROWS - AC Zaldivar -

APAT na games lang ang itinagal ni Brian Hamilton sa Purefoods Tender Juicy Giants at natsugi na siya. Kinuha ng Purefoods bilang kapalit ni Hamilton si Jahmar Thorpe na isang produkto ng Houston University.

Maihahalintulad si Hamilton sa isang “flash-in-the-pan” dahil sa maganda lang ang kanyang performance sa umpisa subalit sumadsad na sa dulo.

Magugunitang matindi ang mga numerong itinala ni Hamilton sa kanyang debut sa Purefoods nang talunin ng Giants ang reigning Philippine Cup champion Talk N Text, 131-121 noong Marso 1. Sa larong iyon ay nakabuo ng triple double si Hamilton nang gumawa siya ng 22 puntos, 16 rebounds at sampung assists bukod pa sa tatlong steals at isang blocked shot sa 43 minuto.

Namangha nga sa kanya si coach Paul Ryan Gregorio at sinabi nitong hindi niya inaakalang ganoong kagaling si Hamilton na isang replacement import lang matapos na magkaroon ng injury ang kanilang original choice na si Reggie Larry.

High hopes ang lahat kay Hamilton dahil sa siya ang unang import na nagtala ng triple double sa first game sa PBA buhat noong 1996 nang ito’y magawa ni Dennis Williams sa Shell Velocity.

Pero matapos iyon ay biglang sumadsad ang numero ni Ha­milton nang gumawa lang ito ng limang puntos, tatlong re­bounds at isang assist sa 24 minuto. Sa kabila nito’y nanaig ang Purefoods sa Rain or Shine sa overtime, 102-94 noong Marso 7.

Doon pa lang ay nakikita na ang inconsistency ni Hamilton. Marahil ay hindi lang na-scout ng Talk N Text si Hamilton o kaya’y sad­yang wala pa sa kundisyon ang Tropang Texters sa umpisa ng torneo kung kaya’t nakagawa ng triple double ang import ng Purefoods. Pero napaghandaan ng Elasto Painters si Ha­milton kung kaya’t lumiit ang mga numero nito.

Pagkatapos ng dalawang panalo, nakalasap ang Giants ng back-to-back na kabiguan buhat sa San Miguel Beer (122-103) at Alaska Milk (94-84).

Sa apat na laro, si Hamilton ay nag-average lang ng 13.75 puntos, 10.25 rebounds, 4.25 assists, tatlong steals, isang blocked shot at 2.25 errors sa 34.75 minuto.

So, kailangan talagang pauwiin ito. Napakaliit na ng kan­yang mga numero at hindi pala siya ang dominant type na im­port na kailangan ng Giants upang malayo ang marating sa Motolite-PBA Fiesta Conference.

Ang tanong nga lang ngayon ay kung si Thorpe ang import na hinihintay talaga ng Giants upang makaalagwa?

Kung maganda ang ipakikita ni Thorpe sa rematch ng Giants at Elasto Painters mamaya sa Victorias City, baka nga siya ang tagapagligtas.

vuukle comment

ALASKA MILK

BRIAN HAMILTON

DENNIS WILLIAMS

ELASTO PAINTERS

FIESTA CONFERENCE

HAMILTON

HOUSTON UNIVERSITY

LANG

PUREFOODS

TALK N TEXT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with