^

PSN Palaro

May bago ba?

SPORTS - Dina Marie Villena -

Heto na nagsisimula na uli ang awayan ng mga sports officials.

At tulad ng inaasahan, nagsimula nang magbanggaan ang Philippine Sports Commission at Philippine Olympic Committee head.

Haaay! Nakakalungkot naman!

Inaasahan na ng marami ang banggaang ito nang italaga ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo si Harry Angping kapalit ni Butch Ramirez bilang chairman ng Philippine Sports Commission.

Wala pang isang buwang nakakaupo si Angping sa PSC ay heto na nagsimula na ang bangayan.

Sa aking pagkakaalam, ito na ang pinakamabilis na panahon kung saan nag-clash ang POC at PSC.

At ngayon nga umabot na sa puntong kung saan, pinag-iisipan ng POC na huwag ng humingi ng suporta mula sa PSC at sa halip ay lumapit na lamang sa ilang pribadong sektor o kompanya para makalikom.

May punto din naman ito.

Pero hindi naman pera ni Angping ang nasa PSC kundi sa kaban ni Juan.

Ibig sabihin sa pera ng bawat Pilipino manggagaling ang perang dapat isuporta ng PSC sa mga atleta.

Eh ano pa ang silbi ng PSC kapag nagkaganun?

Hindi ba pwedeng pag-usapan ng maayos ‘yan?

* * *

Maging ang ilang NSAs ay magulo pa rin.

May ilan na may kanya-kanyang asosasyon at nagpa-palitan ng mga kanilang press release para lamang mag-siraan.

Maging sa cell phone ay nagpapadala sila ng text message.

Ilang araw na akong nakakatanggap ng text messages at nakakainis dahil nga hindi lang isa kundi maraming beses pa. Wala akong balak patulan ang mga text message na ito na nakaka-irita dahil nakakaistorbo.

* * *

Paulit-ulit kong sinasabi na ang apektado sa mga ganitong kaguluhan ay ang mga atleta mismo.

Mga atletang naiipit sa mga nag-uumpugang bato kaya maging ang pagsasanay nila ay naaapektuhan.

Hindi na nila malaman kung saan sila lalagay.

Lalo na ngayong naghahanda na naman para sa Southeast Asian Games na gaganapin sa Laos.

Haaay.

May bago ba?

* * *

May isang reader tayo na nag-email at nagkomento sa umano’y balak ni Angping na huwag ng kumuha ng Fil-foreign athletes.

Galing kay [email protected], sinabi nito na bakit naman inaayawan ni Angping ang mga Fil-foreign athletes eh siya mismo ay hindi isang purong Pinoy? Hindi nga ba’t nadisqualify ito sa kanyang pagtakbong congressman ng Manila dahil sa isyu ng citizenship?

Nagtatanong lang naman!

vuukle comment

ANGPING

BUTCH RAMIREZ

HAAAY

HARRY ANGPING

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

PHILIPPINE OLYMPIC COMMITTEE

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION

SOUTHEAST ASIAN GAMES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with