^

PSN Palaro

Cebu batters nakasiguro ng slot sa semis

-

Bumawi ang Series II champion Cebu sa Batangas matapos umiskor ng abbreviated 11-1 victory kahapon upang makopo ang una sa dalawang outright semifinal berths sa Baseball Philippines’ Series IV sa Rizal Baseball Stadium.

Nagpakawala si Jeff Ardio ng limang hits at isang run habang may tigalawang runs naman sina outfielders Jonash Ponce at Carlo Conge para sa Dolphins na nagposte ng kanilang ikapitong panalo sa siyam na laro para sa outright berth sa semifinals.

Ang Series III champions na Bulls na pumigil sa Dolphins sa pagsulong sa semis sa pamamagitan ng 4-3 panalo noong Sabado ay bumagsak sa 3-5 para sa ikaapat na puwesto.

Sumandal ang Dumaguete, Series III losing finalist, sa kanilang mahusay na fielding nang kanilang maungusan ang Manila, 2-0, para makabangon sa four-game skid at manatili sa kontensiyon para sa semifinals matapos itala ang ikatlong panalo sa anim na laro.

Gumamit ang Unibikers ng solid defense nang kanilang pigilan ang pitong Manila batters para sa shutout win.

Nalaglag ang Manila, umiskor ng 9-4 panalo sa Dumaguete noong Sabado, sa 3-7 record.

Nagsalitan sina Darwin dela Calzada at Eduard Flores sa mound at nagpakawala ng seven hits na hindi napigilan ng Sharks habang umiskor si centerfielder Saxon Omandac sa ilalim ng fifth para sa unang puntos ng laro. Dinala naman ni Dela Calzada, tubong Andro Cuyugan, si  Davao City native catcher Edmer del Soccoro sa home sa kanyang single to right centerfield sa eighth.

vuukle comment

ANDRO CUYUGAN

ANG SERIES

BASEBALL PHILIPPINES

CARLO CONGE

DAVAO CITY

DELA CALZADA

DUMAGUETE

EDUARD FLORES

JEFF ARDIO

JONASH PONCE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with