^

PSN Palaro

UMAATIKABONG GAME 1 DIDRIBOL

-

Nananatiling buhay ang tsansa ng defending champion San Beda College sa kanilang inaasam na three-peat at determinado silang tapusin ang kanilang misyon sa 84th season ng NCAA seniors basketball tournament.

Gagamiting sandata ng SBC Red Lions ang kanilang matibay na championship experience laban sa kulang sa championship experience na Jose Rizal University sa kanilang titular showdown na magsisimula ngayon sa Araneta Coliseum.

Nakatakda ang Game 1 ng best-of-three championship series sa alas-4:00 ng hapon ng Bedans at Jose Rizal para sa seniors title.

Mauuna rito ay ang opening game ng titular series ng defending champion San Sebastian Staglets at Letran Squires sa alas-2:00 para naman sa juniors crown.

“Our edge against Jose Rizal would be our championship experience,” ani coach Frankie Lim ng Red Lions na nakalusot sa malaking banta ng Mapua Institute of Technology na tapusin ang kanilang pagdedepensa ng titulo matapos makapuwersa ng sudden death match sa pamamagitan ng 53-51 panalo noong Biyernes ngunit humatak ng 60-53 tagumpay ang Bedans noong Lunes upang makarating sa finals.

May kumpiyansa naman si coach Ariel Vanguardia sa kanyang Heavy Bombers team.

Naunang makarating sa finals ang Jose Rizal, nakapagtala ng eight game winning streak sa eliminations na pinantayan ng San Sebastian, nang agad nilang dispatsahin ang Letran sa pamamagitan ng 63-61 panalo sa kanilang unang finals appearance sapul noong 2001 kung saan natalo sila sa San Sebastian.

Walang iba kundi ang 6-foot-8 Nigerian import na si Sam Ekwe ang aasahan ng Bedans kasama sina Ogie Menor, Pong Escobal, Borgie Hermida at Bam Gamalinda habang sina James Sena, Marc Cagoco, Jayson Nocom, John Wilson at JayR Bulangis naman ang babandera sa Jose Rizal.

Sa juniors game, sisimulan ang kampanya sa inasahan na ‘four peat’ ng San Sebastian na awtomatikong nakarating sa finals matapos masweep ang elimination round. (Mae Balbuena)

vuukle comment

ARANETA COLISEUM

ARIEL VANGUARDIA

BAM GAMALINDA

BEDANS

BORGIE HERMIDA

FRANKIE LIM

HEAVY BOMBERS

JOSE RIZAL

RED LIONS

SAN SEBASTIAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with