Holy Cross belles punta din sa Boracay
March 30, 2007 | 12:00am
Mahirap man gawin, pinilit pa rin nina Carren Desierto at Dolly Peña-florida na pagsabayin ang pag-aaral at paglalaro.
Iginiya nina Desierto at Peñaflorida ang Holy Cross of Davao College sa main draw ng 11th Nestea Beach Volley makaraang magtala ng 3-0 kartada sa Mindanao Eliminations kahapon sa La Salle-Greenhills.
"Medyo mahirap tala-gang pagsabayin ‘yung pag-aaral at paglalaro, kaya nga bitin talaga ‘yung practice namin for this tournament," sabi ng 21-anyos na si Desierto, nakatakdang magtapos sa kursong Management sa HCDC bukas sa Davao City kasabay ng 21-anyos rin na si Peña-florida.
Ang tambalan nina Lina Gampong at Mayeta Tan ng Mindanao State University Tawi-Tawi ang unang pinabagsak nina Desierto at Peñaflorida mula sa 18-21, 25-23, 15-7 panalo at kaagad na isinunod sina Ma. Lualhati at Mary Justin Pinili ng Ateneo De Davao Univer-sity buhat sa 21-7, 21-9 tagumpay.
Tuluyan nang ibinulsa nina Desierto, na halos dalawang buwan na nag-sanay sa Japan noong 2006 bilang miyembro ng RP training pool, at Peña-florida ang ikatlong sunod na panalo ng HCDC nang igupo sina Maricel Cabus at Janice Arnaiz ng Uni-versity of Mindanao, 21-11, 21-12.
Pinaganda naman nina Liezel Manatad at Mylin Que ng University of Mindanao Tagum ang kanilang tsansa para sa main draw makaraang magposte ng 2-0 marka.
Tinalo nina Manatad at Que ng UMT ang magka-patid na sina Pinili ng ADDU, 21-7, 21-6, bago isinunod sina Cabus at Arnaiz ng UMD, 21-12, 21-13.
Sa men’s class, binigo naman nina Orpheus Cubillas at Kevin Escobal ng Capitol University sina Roman Jacob Cuison at Spar John Cosme ng ADDU, 21-9, 21-14, at pinatid nina Gabshar Tahiluddin at Yusop Abdul-karim ng MSU Tawi Tawi sina Jay-Ar Aping at Gabriel Usman ng Tawi Tawi Regional Agricultural College, 21-9, 21-11. (Russell Cadayona)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended