^

PSN Palaro

Pacquiao-Morales Grand finale: Personalan na ang laban!

-
Naging personalan na ang "Grand Finale" nina Filipino boxing idol Manny Pacquiao at Mexican legend Erik Morales sa Nobyembre 18 sa Thomas & Mack Center sa Las Vegas, Nevada.

Sinabi kahapon ng 27-anyos na si Pacquiao na handa na siyang makipagsabayan sa 30-anyos na si Morales sa ikatlong sunod na pagkakataon at lasapin ang inaasahan niyang panalo.

"I’m hungry to win because this fight is the grand finale between us," wika ni Pacquiao, pinigil si Morales sa 10th round ng kanilang rematch noong Enero ng taong ito matapos ang kanyang kabiguan sa kanilang unang pagkikita noong Marso ng 2005. "This is a very important fight for me."

Iaakyat ni Pacquiao ang 42-3-2 win-loss-draw ring record kasama ang kanyang 33 knockouts, habang ibinabandera naman ni Morales ang kanyang 48-4 slate tampok ang 34 KOs.

Bukod sa pagpapalakas sa kanyang kaliwang kamao, inihahanda rin ni Pacquiao ang kanyang kanan na tinagurian ni American trainer Freddie Roach na "Manila Ice" na siyang muling magpapatulog kay Morales.

"There’s a lot of improvement in my right hand right now and it’s going to be big help for me in this fight. Right now we’re very focused for the fight and I am 100 percent ready," wika ni Pacquiao.

Katulad ng sinabi ni Pacquiao, nasa kondisyon rin si Morales sa kabila ng pagtimbang ng 142 pounds sa kanyang press conference kamakailan patungo sa 130 pound-weight limit para sa super featherweight division.

"For this fight, I think I’m going to be 100 percent. I know I’m going to be 100 percent feel real good. I think I’ve worked real hard for the last three months and I’m ready. I’m going to be as ready as I’m ever going for a fight," ani Morales.

Idineklara na ng World Boxing Council (WBC) na ang Pacquiao-Morales fight ang magsisilbing final eliminator para sa makakalaban ni super featherweight champion Marco Antonio Barrera sa Marso ng 2007. (RCadayona)

ERIK MORALES

FIGHT

FREDDIE ROACH

GRAND FINALE

LAS VEGAS

MACK CENTER

MANILA ICE

MORALES

PACQUIAO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with