Ochoa, Garcia kampeon sa Shell National Youth Active chessfest

Umiskor ng 4.5 puntos si Karl Victor Ochoa sa huling limang rounds kabilang na ang final round laban kay Vic Neil Villanueva upang makopo ang korona sa juniors habang tinalo naman ni Jan Emmanuel Garcia si Joel Pimentel sa huling round at bago daigin si Haridas Pascua sa tie-break para naman sa titulo ng Kiddies division sa grand finals ng 2006 Shell National Youth Active Chess Championships sa SM North Edsa noong Linggo.

Bumagal sa huling dalawang rounds matapos ang apat na laro noong Sabado, sumingasing ito sa pagbabalik aksiyon ng dalawang araw na finals at igupo si John Bryll Arellano sa ikalimang round para makuha ang pakikisosyo sa liderato makaraang sorpresahin ang walang talong si Nelson Mariano sa ikaanim na round.

Naagaw ng Bulacan State University standout, winner ng Batangas leg sa event na hatid ng Pilipinas Shell, ang solo liderato sa penultimate round nang isa pang kabiguan ang nalasap ni Mariano kay Gilly Jay Maximo na nagbigay daan kay Ochoa na makaungos sa 6.5 puntos bagamat nakipag-draw ito kay Eugene Pimentel.

Nagtapos si Ochoa na may 7.5 puntos at tanghaling pinakamagaling na chess player sa 20-and-under division at ibulsa ang top prize na P30,000.

Tinalo naman ni Pimentel si Mariano sa final round para magtapos na may 6.4 puntos bago biktimahin si Maximo sa tiebreak para naman sa second place at halagang P20,000 at ikatlo naman si Maximo na nag-uwi ng P15,000.

Nakamit naman ng 10 taong gulang na si Mac Dominique Lagula ang Art Borjal award bilang pinakabatang finalist sa event na suportado din ng Shell Super Premium, Shell Super Unleaded, Shell V-Power; Shell Diesoline Ultra, Shellane, Mc-Donald’s at Cebu Pacific sa kooperasyon ng SM Supermalls. 

Show comments