^

PSN Palaro

Swimming aasa kay Molina sa Asiad

-
Mananalig ang bansa sa husay ni Miguel Molina sa hangaring medalya para sa Asian Games sa Doha Qatar.

Sa panayam kay Mark Joseph, pangulo ng Philippine Amateur Swimming Association, sinabi niya na sa ngayon ay si Molina lamang ang may malaking tsansang umani ng medalya sa Doha base na rin sa kanyang World at Asian ranking sa paboritong event na 200 individual medley.

"He is currently ranked 14th in the world and 5th in Asia. The Asian Games is like the World Championship since we are competing against world power like Japan, China and former Russian Republics. It will be tough but we have a slim chance," wika ni Joseph.

May 10 swimmers ang balak na isama ng PASA sa pambansang delegasyon na magtatangkang wakasan ang dalawang sunod na pagka-zero ng bansa sa swimming sa Asian Games.

Si Ryan Papa ang huling manlalangoy ng bansa na umani ng medalya, dalawang bronze, sa idinaos na 1998 Asian Games sa Bangkok, Thailand.

May anim pang divers ang isasama sa delegasyon na ayon pa kay Joseph ay maaaring makasilat lalo pa’t kasalukuyan silang nasa China upang magsanay sa loob ng dalawang buwan.

Ang mga divers na ito ay ang mga nagmedalya rin sa SEA Games sa bansa na sina Sheila Mae Perez, Zardo Domenios, Cecil Domenios, Jaime Asok, Ryan Fabrica at Nino Carog na umalis ng bansa at nagtungo sa Chengdu, China.

Bagamat medyo hirap pa sa asam na tagumpay, naniniwala si Joseph na magbabago ang lahat dalawang taon mula ngayon dahil sa lalabas na mga produkto sa isasagawang National Age Group Swimming Championship simula sa Setyembre.

May sub-regional elimination, regional championship at national championship ang kompetisyon na magtitiyak na ang mga lalabas na kampeon ay tunay na pinakamahusay na manlalangoy ng bansa.

"We hope to reaped fruits two years from now. The vision of PASA is to lure more swimmers actively competing in the hopes that someday, we will be able to send an entry to all swimming events in international competition. This will result to more chances of winning medals," paliwanag pa ni Joseph.

vuukle comment

ASIAN GAMES

CECIL DOMENIOS

DOHA QATAR

JAIME ASOK

MARK JOSEPH

MIGUEL MOLINA

NATIONAL AGE GROUP SWIMMING CHAMPIONSHIP

NINO CAROG

PHILIPPINE AMATEUR SWIMMING ASSOCIATION

RUSSIAN REPUBLICS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with