^

PSN Palaro

PBA rookies at sophomores magpapasikat din

-
Mas makapagpakita na kaya ngayon ang sophomores kaysa sa rookies?

Maaari kung ang gaya nina Alex Cabagnot, Larry Fonacier at ang iba pang kasama sa PBA’s 05 class ay magtutulungan.

Dominado noong nakaraang taon, muling makikilatisan ang tikas ng mga freshmen sa court sa kanilang pagsagupa sa Sophomores sa Blitz game ng 2006 Hope PBA All-Star weekend sa Misamis Oriental ngayong linggo.

Kabilang si Cabagnot, ang nakaraang taong No. 2 pick overall, Fonacier, ang bumabanderang kandidato para sa Rookie of the Year honor, ang reigning Slam Dunk king na si Nino Canaleta at ang iba pang All-Star rookies nang pabagsakin sila ng Sophomores, 112-106 sa Laoag City noong nakaraang taong edisyon ng All-Star Game na itinataguyod rin ng Xtreme Magic Sing at Welcoat Paints.

Binanderahan ni Nelbert Omolon ng Sta. Lucia ang rookies sa kanyang tinapyas na 37 puntos at pangunahan ang Sophomores sa panalo sa kauna-unahang pagtatanghal ng nasabing event, na isa lamang sa tampok na atraksiyon sa All-Stars weekend.

Naungusan ni Omolon, ipinagmamalaking forward ng Philippine Christian U si Canaleta para sa Blitz Games’ Most Valuable Player (MVP) honor.

Sina Omolon at Canaleta ay kapwa gigil na matapos na ang kanilang paghaharap sa darating na Abril 27-29 cage extravaganza na suportado rin ng Sunbolt fun drinks, Chowking, Mentos, ACCEL at Air21.

Si Coca-Cola assistant coach Nash Racela ang siyang gigiya sa All-Star rookies kung saan ang iba pang miyembro maliban kina Fonacier, Cabagnot at Canaleta ay sina Mike Holper ng Ginebra, Dennis Miranda ng Coca-Cola, Red Bull’s Paolo Bugia at Leo Najorda at Mac Cardona ng Talk N Text.

Ang hindi masisilayan sa All-Star rookies ay ang top draft pick na si Anthony Washington at No. 4 overall selection Jondan Salvador, na kapwa nasa injured list.

Imamando naman ni Art dela Cruz, ang assistant coach ng San Miguel Beer ang All-Stars sophomores na pamumunuan nina Omolon, Sonny Thoss at Willie Wilson ng Alaska, Rich Alvarez ng Red Bull, ang Purefoods tandem nina Mark Pingris at Paul Artadi, Wesley Gonzales ng San Miguel at Ranidel de Ocampo ng Air21.

ALEX CABAGNOT

ALL-STAR GAME

ANTHONY WASHINGTON

BLITZ GAMES

CABAGNOT

CANALETA

DENNIS MIRANDA

FONACIER

JONDAN SALVADOR

RED BULL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with