^

PSN Palaro

Malamig na klima ang sasalubong kay Pacquiao sa Vegas

-
Sa oras na tumapak si Manny Pacquiao sa Las Vegas para sa kanyang nakatakdang laban kontra kay Erik Morales, bukod sa mga fans at mga me-dia, sasalubungin siya ng nakakapangatal na klima.

Sa Internet check sa panahon sa Las Vegas para sa susunod na 10-araw, sinasabing ang daily forecast ay aabot hanggang sa four, three, two at one degrees cel-sius at ang pinakamataas ay hanggang 15 sa susu-nod na linggo.

Nasa Los Angeles pa si Pacquiao na malapit nang matapos sa kan-yang training sa ilalim ni Freddie Roach sa Wild-card Boxing Gym sa Hollywood sa Vine St. na pagmamay-ari ng Ameri-can trainer.

Plano ni Pacquiao na tumulak patungong Las Vegas sa Jan. 16, limang araw bago ang kanyang rematch kay Morales.

Ang 12-round, non-title fight ay nakatakda sa Thomas and Mack Center sa loob ng UNLV cam-pus.

Hindi pa tiyak kung mag-eeroplano si Pac-quiao o bibiyahe ng tatlo hanggang apat na oras sakay ng kotse na ginawa nito nang una niyang makaharap si Morales noong Marso.

Ayon sa Morales camp, plano ng Mexican three-time world cham-pion na dumating sa Vegas sa Jan. 19 sakay ng kanyang private jet.

Ano pa mang paraan ng pagbiyahe ang gaga-win ni Pacquiao, ang malamig na klima ang sasa-lubong sa kanya dahil sa araw ng kanyang dating, ang temperatura ay inaa-sahang malapit sa zero degrees sa Vegas, na nangangahulugang kaila-ngang magsuot ng winter clothes, o posibleng ang all-black, Matrix-like get-up na suot niya noong March, 2005.

Ngunit sinabi ni Pacquiao na handa siya para dito gayundin para kay Morales.

vuukle comment

BOXING GYM

ERIK MORALES

FREDDIE ROACH

JAN

LAS VEGAS

NASA LOS ANGELES

PACQUIAO

SA INTERNET

THOMAS AND MACK CENTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with