Kapag kinapos ng 10 golds, PHILSOC ang sisihin

Sakali mang magkulang ng 10 gintong medalya ang bansa para sa overall championship ng 23rd Southeast Asian Games, walang ibang dapat sisihin kundi ang Philippine SEA Games Organizing Committee (PHILSOC).

Dalawang beses nakaroon ng tsansa ang PHILSOC na maipuwersa ang pagkakaroon ng 10 events ng Greco Roman sa wrestling para sa nasabing biennial meet.

Ngunit, ayon kay national wrestler Marcus Valda, hindi ito sinamantala ng PHILSOC sa panahong pinag-iisipan pa lamang kung ilang events sa bawat sports ang ililista.

Sa nakaraang SEA Games sa Vietnam noong 2003, nag-uwi ang 24-anyos na si Valda ng dalawang gintong medalya mula sa men’s Greco Roman 85-kilogram at sa Freestyle 85-kilogram events.

Sa kabuuan, apat na gold medals ang nasikwat ng mga Filipino wrestlers sa naturang edisyon ng SEA Games sa Vietnam.

Kabuuang pitong gold medals ang nakahanay para sa men’s freestyle at lima naman sa women’s freestyle event ng 2005 SEA Games. (Russell Cadayona)

Show comments