UAAP Season 68 women's basketball at volleyball aarangkada ngayon

Magsisimula na ngayon ang women’s basketball at volleyball ng UAAP 68th Season sa Adamson gym sa San Marcelino at University of the Philippines-Diliman.

Maghaharap ang Ateneo at University of the East sa main game sa ganap na alas-11:30 ng umaga pagkatapos ng salpukan ng UP at FEU sa alas-8 ng umaga at De La Salle at University of Santo Tomas sa alas-9:45 ng umaga sa basketball.

Sa volleyball naman sa State U gym, maglala-ban ang Adamson at NU at alas-8:30 ng umaga, UP vs UST sa alas-9:30 ng umaga, UE kontra Ateneo sa ala-una ng hapon at FEU laban sa DLSU sa alas- 2 sa men’s division.

At sa women’s naman, maghaharap ang UP at Ateneo sa alas-8:30 ng umaga, Ateneo vs Adamson sa alas-9:30, FEU vs UST sa ala-una ng hapon at DLSU kontra sa University of the East sa alas-2 ng hapon.

Magkakaroon ng opening ceremony sa alas-12 ng tanghali.

Show comments