^

PSN Palaro

WARREN, GOLDEN TOUR CHAMP

- Ni Carmela Ochoa -
Pitong taon ang hinintay ni Warren Davadilla bago masundan ang kanyang kauna-unahang titulo.

Taong 1998 nang makopo ng Colt 45 team captain na si Davadilla ang signipi-kanteng titulo, ang Cen-tennial Tour ng Pilipinas, ang selebrasyon ng ika-100 anibersaryo ng Pilipi-nas, na noon ay itinata-guyod pa ng Marlboro ngunit hindi ito nagkaroon ng pagkakataon na ipag-tanggol ang kanyang titulo nang tuluyan nang mawala sa kalsada ang summer sports spectacle ng bansa.

Matapos ang apat na taon, binuhay ng Air21 ang cycling tour noong 2002 ngunit naging mai-lap ang pagkakataon para kay Davadilla sa huling tatlong edisyon ng karera.

At sa paghahatid ng Tanduay Rhum ng Gol-den Tour sa pagdiriwang ng ika-50th taon ng kapa-nganakan ng cycling tour sa bansa, napasakamay ni Davadilla ang isa na namang signipikanteng korona.

Nagsubi ng P100,000 bilang individual overall champion ang national team member na si Davadilla matapos makalikom ng pinaka-mababang oras na 37-hours, 20-minutes at 55-seconds matapos tahakin ang tinatayang 1,500 kilo-metrong distansiya upang agawin ang titulo sa 2004 titlist na si Rhyan Tanguilig ng PLDT na 13:25 minutes behind para sa third place at P50,000 na premyo sa likod ni Erick Feliciano ng BIR Vat Riders na 6:41 minutes behind at nagkasya sa P70,000 runner-up prize.

Ang pagiging overall champion ni Davadilla, na nakatakdang sumabak sa Southeast Asian Games na itatanghal ng bansa sa November 27-December 5, ay isang malaking kontribus-yon sa panalo ng Colt 45 team sa team overall para sa P700,000 na premyo kasu-nod ang Tourism (P400,000) Metro Drug (P280,000), Vat Riders (P200,000), Guerrero Brandy (P160,000), Custom (P130,000), Go21 (P110,000), Touch Mobile (P100,000) at PLDT (P90,000).

Mayroon ding P30,000 si Davadilla bilang King of the Mountain at P30,000 pa sa kanyang tatlong stage wins (Stage 1, 2 at 9) bukod pa sa P27,000 bilang siyam na araw na overall leader na may katumbas na P3,000 bawat araw.

Bagamat ang araw ay para kay Davadilla, pumu-kaw naman ng kaunting pansin si Arnold Marcelo ng PLDT na tumapos ng 78.6 kilometrong Stage 10 na tinaguriang MVP Circuit sa pagtulong ni PLDT boss Manny Pangilinan kay PhilCycling president at dating Tour Pilipinas chair-man Bert Lina kung saan 16-beses na inikot ng mga siklista ang 4.8-km circuit sa Roxas Blvd. sa loob lamang ng 1-hour at 35:12 minutes para sa P10,000 stage prize na sinundan nila Michael Ramos ng Vat Riders para sa P5,000 stage runner-up prize at Carlo Jasul ng Colt 45 bilang third place para sa P3,000.

Tinanghal namang Sprint King si Nilo Estayo ng Touch Mobile at Rookie of the Year si Renato Sembrano ng Guerrero Brandy sa Phil-Cycling sanctioned race na ito na suportado ng Sunbolt (official sports drink), Summit (official water), Osaka Iridology, Island Souvenirs, PhilAm Life at Nestle Power Bar para sa tig-P30,000 na special prize.

vuukle comment

ARNOLD MARCELO

BERT LINA

CARLO JASUL

DAVADILLA

ERICK FELICIANO

GUERRERO BRANDY

ISLAND SOUVENIRS

PARA

TOUCH MOBILE

VAT RIDERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with