^

PSN Palaro

Lady Tamaraws taob sa Lady Stags

-
Binalewala ng San Sebastian College ang epekto ng isang linggong pahinga at igupo ang Far Eastern University, 25-18, 25-23, 26-24, upang patatagin ang kapit sa ikala-wang puwesto sa likuran ng walang talo na La Salle sa 2005 Shakey’s V-League first conference sa Rizal Coliseum kahapon.

Nagsimula uli matapos ang four-win run na pinigil ng Lady Archers noong nakaraang linggo, madaling nakabawi ang Recoletos-based spikers at agad pinataob ang walang suwerteng FEU at makumpleto ang kanilang straight set victory, na kanilang ikalima laban sa isang kabiguan.

Ito naman ang ikaanim na talo sa pitong laro ng Lady Tamaraws na baga-mat nakipaglaban din ng husto para sa 20-11 abante sa ikatlong set ay nagawang pigilan ng Lady Stags sa pagtutulungan nina Rose Maca-tangay, Jennifer Bohawe at Ann Latigay.

Pinangunahan ni Macatangay ang SSC sa kanyang 18 puntos, kabi-lang na ang 16 atake at umiskor ng 2 pang blocks sa torneong hatid ng Shakey’s Pizza at supor-tado ng IBC-13, Jemah Television, ACCEL at Mikasa.

Sa ikalawang laro, pinagod ng defending champion University of Santo Tomas ang Ateneo tungo sa 22-25, 25-21, 25-23, 18-25, 15-6 panalo.

vuukle comment

ANN LATIGAY

FAR EASTERN UNIVERSITY

JEMAH TELEVISION

JENNIFER BOHAWE

LA SALLE

LADY ARCHERS

LADY STAGS

LADY TAMARAWS

RIZAL COLISEUM

ROSE MACA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with