^

PSN Palaro

PBL COACHES

FREE THROWS - AC Zaldivar -
May lumulutang na balitang dalawang coaches sa Philippine Basketball League (PBL) ang malamang na umangat sa Philippine Basketball Association pagkatapos ng kasalukuyang Unity Cup. Ang mga ito’y sina Louie Alas ng Toyota Otis-Letran at Edmundo "Junel" Baculi ng Hapee Toothpaste.

Sinasabing kursunada ng dalawang PBA ballclubs ang kanilang serbisyo at hinihintay na lamang ang mga kaganapan sa kasaluku-yang Gran Matador-PBA Fiesta Conference upang desisyunan na kung iaakyat sila o hindi.

Mahuhusay ang dalawang coaches na ito.

Si Alas ay nakapagbigay na ng dalawang kampeonato sa Knights sa National Collegiate Athletic Association. Napagkampeon din niya ang Manila Metrostars sa defunct na Metropolitan Basketball Association. Hindi na rin siya bago sa PBA dahil nahawakan niya dito ang Talk N Text Phone Pals. So kung muli siyang aakyat sa pro league, kabisado na niya ang kalakaran doon.

Si Baculi ay sinasabing matagal nang hinog para sa PBA. Katunayan. Marami ang nagsasabing kung si Leo Austria ay nakapanhik na sa PBA, dapat ay makapanhik na rin si Baculi.

Hindi nga ba’t si Austria ay dating assistant coach ni Baculi sa Hapee Toothpaste bago sila nagkahiwalay ng landas. Hinawakan ni Baculi ang Welcoat House Paints samantalang hinawakan ni Austria ang Chowking at Shark Energy Drink. Nang mag-leave of absence ang Welcoat ay napunta si Baculi sa Olongapo Volunteers. Hindi nga lang siya nakuha ng Welcoat kaagad nang magbalik ito sa PBL kung kaya’t si Austria ang humalili sa kanya. Pero bilang coach ng Hapee ay nabigyan naman niya ng back-to-back championships ang Teeth Sparklers.

So, okay na rin kung pumanhik sina Alas at Baculi sa PBA pagkata-pos ng Unity Cup.

Pero may nagsasabing: Bakit hindi kinukunsidera si Koy Banal?

Sa aking palagay ay puwede na rin si Koy sa PBA. Marami na rin siyang napatunayan sa amateur ranks.

Hindi ba’t napagkampeon na ni Koy ang Far Eastern University Tamaraws sa UAAP. At nang lumahok ang FEU na inisponsoran ng Viva Mineral Water sa kauna-unahang pagkakataon sa PBL ay muntik na silang makagawa ng Cinderella Finish. Sumegunda sila sa Hapee Toothpaste. Aba’y malaking achievement iyon! Ngayon nga’y namamayagpag ang Viva- Mineral Water sa kasalukuyang Unity Cup at tiyak nang pasok sa Finals.

Bukod sa FEU at Viva Mineral Water, si Banal ay nakapag-coach na rin sa iba’t- ibang eskuwelahan. Hindi din siya bago sa pro league dahil noong buhay pa ang MBA ay nagsilbi siyang assistant coach ng Pasig Rizal Pirates.

Kumbaga’y hinog na rin si Banal para sa PBA.

Maganda din kasing makita kung paanong maglalaban sina Koy at ang kanyang kuya na si Joel sa PBA. Kasi, sa nagdaang UAAP Finals ay dinaig ni Koy si Joel.

vuukle comment

BACULI

CINDERELLA FINISH

FAR EASTERN UNIVERSITY TAMARAWS

FIESTA CONFERENCE

GRAN MATADOR

HAPEE TOOTHPASTE

PBA

UNITY CUP

VIVA MINERAL WATER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with