Pinoy nalagasan agad ng isa
May 8, 2004 | 12:00am
KARACHI, PAKISTAN -- Hindi maganda ang panimula ni Ferdie Gamo nang malasin ito sa draw at agad mabunot na kalaban ang Thai sa opening ng 3rd Asian Olympic boxing qualifying tournament (Green Hill Cup) dito noong Huwebes ng gabi.
At ang resulta, bawas agad ang RP-Alaxan FR Team sa three man unit makaraang pabagsakin si Gamo ni Vietnam Southeast Asian Games gold medalist Worapoj Petchkoom, 23-12, sa kanilang 54 kgs. (bantamweight) fight sa KPT Sports Complex.
Si Gamo, tubong Bago City ay agresibong nakipaglaban kay Petch-koom at paminsan-misan ay binibigyan ng left-right combination ang kalabang Thai sa ulo at malulutong na tama sa katawan.
Ngunit ginamit ng 23 anyos na Thai ang kanyang taas at haba ng biyas para hindi mapigil ang Pinoy pug.
Habang sa tingin ng mga RP coaches na mas magaling ang Thai kaysa kay Gamo, inakala nilang mas dikit lamang ang laban at hindi makaka-iskor ng malaki ang Thai.
"Hindi naman siguro dapat ganoon kalayo ang score. Pumupuntos naman tayo eh," ani Caliwan.
Bagamat kulang na ng isa ang koponan na ipinadala dito sa suporta ng Alaxan-FR, Philippine Sports Commission (PSC), Pacific Heights at Accel, nanatiling kumpinyasa si Amateur Boxing Association of the Philippines (ABAP) President Manny Lopez sa magiging kampanya ng bansa sa isang linggong tinatampukan ng 29 bansa.
"Ferdie did his best. But we have to leave behind this setback and move on. We still have three boxers left and Im confident theyll be able to hurdle all of the challenges ahead," ani Lopez.
Sa tatlong nalalabing Pinoy, mas maagang mapapasabak sa aksiyon sina Harry Tanamor at Junard Ladon sa kanilang laban noong Biyernes ng gabi habang magdedebut naman ngayon si Basadre.
Si Tanamor, pinakamatagumpay na amateur boxer sa bansa sa naka-lipas na dalawang taon ay makakaharap si Sri Lankan Harsha Kumara, na hinahawakan ni Cuban Jorge Mafus, sa 48 kgs. class (flyweight) habang si Ladon ay makikipagtipan kay Japanese Terukado Shoyama sa 57 kg. division (featherweight).
Si Basadre ay lalaban sa 60 kgs. (lightweight) at makakaharap si Dipendra Maharjan of Nepal, ang team na dumating ng opening day dito.
"Maganda pa rin ang chances. Basta laban lang tayo," ani Gaspi.
Ang gold at silver medalist sa final Olympic boxing qualifying tournament sa Asia ay awtomatikong makakakuha ng slots para sa Athens Games na nakatakda sa August 18-27.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended