^

PSN Palaro

Ibang klase talaga ang NBA

TAKE IT TAKE IT! - Nap Gutierrez -
Ang ganda-ganda ng Game 1 ng NBA playoffs between San Antonio Spurs at New Jersey Nets.

Punum-puno ang coliseum sa San Antonio.

Grabe ang dami ng tao.

Grabe rin ang taong nanood nito sa tv ng live sa buong mundo, kasama na d’yan ang Pilipinas.

Marami ang na-late sa bahay at sa klase kahapon dahil ginusto nga nilang mapanood ng live ang laro.

Pati ‘yung opening presentation nila, kakaiba.

Ibang klase talaga ang NBA!
* * *
May college basketball team na pala uli ang Trinity College of Quezon City.

Kasali sila sa Ambrosio Padilla Cup.

Sa Trinity ako nag-graduate ng high school noon at nung panahon ko, may team pa sila sa NCAA.

Hanggang sa na-disband nga ito at nawala na sila sa NCAA.

Ngayon, nakabuo na naman sila ng team at sumasali muna sila sa ibang liga.

Babalik kaya sila sa NCAA?
* * *
Pansinin n’yo ang mga NBA players kapag naglalaro?

Nagpapakamatay lahat sa bola.

Mga tunay na professionals.

How I wish we can say the same to most of our PBA players.
* * *
Na-interview ni Jessica Sojo sa kanyang programa sa Channel 7 nung Miyerkules sina Noli Locsin at Jun Limpot tungkol sa kaso nila sa PBA.

Sinabi ni Limpot na ganyan pala kapag isa kang sikat na tao. Isang dungis lang, burado na ang pangalan at kredibilidad na nagawa mo for many years.

Ipinagdiinan ni Jun na matagal na panahon niyang ginawa ang kanyang pangalan pero ngayon, hayan at nasangkot siya sa isang iskandalo at feeling niya, dungis na dungis ang pangalan niya.

Ganyan din ang naramdaman ni Noli.

Pipilitin daw nilang linsin ang nadungisang mga pangalan nila.

Sana nga...

vuukle comment

AMBROSIO PADILLA CUP

GRABE

HOW I

JESSICA SOJO

JUN LIMPOT

NEW JERSEY NETS

NOLI LOCSIN

SA TRINITY

SAN ANTONIO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with