^

PSN Palaro

No. 14 jersey ni Paras isasampay na

-
Makalipas ang 14 taon nang mapanalunan nito ang Most Valuable Player at Rookie of the Year trophies sa iisang season, ireretiro na ang No. 14 Shell jersey ni Benjie Paras ang kilalang "The Tower of Power."

Ito ay isasagawa sa halftime game sa pagitan ng Shell at Purefoods sa PBA Samsung All-Filipino Cup action sa Araneta Coliseum.

Ang 6’5 na si Paras ang ikalawang player na ireretire ang jersey sa ta-ong ito matapos iretiro ng Alaska ang no. 6 jersey ni Jojo Lastimosa ng Alaska noong opening day.

Ang jersey ni Paras ang kauna-unahang player na ireretiro ng Turbo Chargers.

Ang dating State University standout ay ang no. 1 draft pick overall noong 1989 at agad na nagparamdam nang makipagtambalan ito kay Ronnie Magsanoc, ang kanyang long-time court partner, upang ihatid ang Shell sa Open conference finals ng taong nabanggit.

Natalo ang Shell sa San Miguel, 4-1 para sa Grand Slam ng Beermen ngunit nakuha ni Paras ang atensiyon nang talunin nito para sa MVP trophy si Ramon Fernandez sa kanyang rookie year.

Makalipas ang 10 taon, nakopo ni Paras ang kanyang ikalawang MVP trophy sa likod ng pagpasok ng maraming Fil-Am rookies. (Ulat ni CVOchoa)

ARANETA COLISEUM

BENJIE PARAS

GRAND SLAM

JOJO LASTIMOSA

MAKALIPAS

MOST VALUABLE PLAYER

RAMON FERNANDEZ

RONNIE MAGSANOC

ROOKIE OF THE YEAR

SAMSUNG ALL-FILIPINO CUP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with