^

PSN Palaro

Collegiate basketball champs sa Champions League

-
Inilabas na ng organizers ng Champions League 2002, ang ultimate clash ng mga collegiate basketball champions ng bansa ang kumpletong listahan ng knockout elimination round.

Makaraan ang opening sa Nov. 10 sa Makati Coliseum, na magtatampok sa De La Salle kontra University of Baguio at University of Santo Tomas vs University of Manila, isang slam-bang do-or-die na sagupaan ang susunod.

Sa Nov. 12 na gaganapin rin sa Makati Coliseum, sasagupain ng San Sebastian College ang kasalukuyang NCAA champions ang Philippine School of Business Administration sa alas-2 ng hapon, habang titipanin naman ng Ateneo, ang UAAP title holder ang West Negros University sa alas-4 ng hapon.

Sa Nov. 13, maghaharap ang Saint Francis of Assisi at ang University of Mindanao sa alas-2 p.m., habang magkikita naman ang College of St. Benilde at ang Las Piñas College.

At sa Nov. 17, magbabanggaan ang University of Visayas at ang Jose Rizal University sa 1p.m gayundin ang University of the East kontra University of San Jose-Recoletos.

Hatid ng Petron, San Miguel Corporation, Hapee, Adidas at PLDT, ang quarterfinal ay gaganapin sa Nov. 19 at 20 at ang semifinals ay sa Nov. 24, Nakatakda naman ang best-of-three championship series sa Nov. 26 na ang Game Three ay sa Dec. 1 kung kinakailangan.

vuukle comment

CHAMPIONS LEAGUE

COLLEGE OF ST. BENILDE

DE LA SALLE

GAME THREE

JOSE RIZAL UNIVERSITY

LAS PI

MAKATI COLISEUM

NOV

SA NOV

UNIVERSITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with