8 libo runners sali sa Naga marathon

May 8,000 runners sa Bicol region ang inaasahang lumahok sa 26th National Milo marathon sa Naga City bukas na magsisimula at magtatapos sa Plaza Quezon.

"As part of our commitment to promote the sport of running in the country, we are once again bringing the National Milo Marathon to Naga City, which has a strategic location to encourage the participation of runners in the region," pahayag ni Jackby Jaime, Milo Sports Executive.

Idinagdag ni Jaime na sa Bicol nanggaling ang tatlong National Milo Marathon champions sa men’s division na sina Victor Adava, Wilfredo Balleser at Allan Balleser,

Si Adava na tubong Catanduanes ay naging kampeon sa 2nd National Milo Marathon na ginanap noong 1975 habang ang magkapatid na Balleser na galing ng Sorsogon ay may tatlo at dalawang titulo ayon sa pagkakasunod.

Tampok sa Naga City leg ay ang 20K elimination race na magsisilbing qualifying para sa top runners na naghahangad makapasok sa 42-K National Finals na gaganapin sa Metro Manila sa December 8.

Ang iba pang kategorya sa Naga City race ay ang 5K Fun Run para sa mga estudyante at ang 3K Kiddie Run para sa mga batang runners.

Naghihintay ang P10,000 at tropeo para sa kampeon ng men’s at women’s division, P6,000 at tropeo sa mga runners-up at P4,000 at tropeo sa third placers.

Show comments