^

PSN Palaro

Malinis na record asam ng Davao

-
Sisikapin ng Professional Davao na mapanatiling malinis ang kani-lang kartada sa kanilang nakatakdang pakikipaglaban kontra sa Casino Cagayan de Oro sa alas-3:30 ng hapon ngayon sa pag-papatuloy ng MBA National Conference sa Cebu City Coliseum.

Sinimulan ng Amigos na bumangon matapos na malasap ang kanilang dalawang sunod na pagkatalo nang kanilang talunin ang Negros, 110-102 at sumunod ang Cebuana Lhuillier, 100-94 na naglagay sa kanila sa ikalawang puwesto sa Southern sa likod ng 4-0 kartada ng Eagles.

Inaasahang isasabak muli ni coach Bong Go ang mga rookies na sina Billy Mamaril at Jon Dan Salvador, katulong sina Cid White at Glenn Peter Yap upang isulong ang kanilang panalo.

Bukod sa mga na-banggit, inaasahang kakayod rin ng husto sina Peter Simon, Bong Marata, Genesis Sasuman at Mike Manigo para tapatan ang hamon ng kabila.

Sa ikalawang laro, dakong alas-6 ng gabi, maghihiwalay ng landas ang Negros Slashers at ang Cebu na kapwa nag-iingat ng 1-3 kartada.

vuukle comment

BILLY MAMARIL

BONG MARATA

CASINO CAGAYAN

CEBU CITY COLISEUM

CEBUANA LHUILLIER

CID WHITE

GENESIS SASUMAN

GLENN PETER YAP

JON DAN SALVADOR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with