^

PSN Palaro

2nd win puntirya ng John-O Juzz, ICTSI-La Salle

-
Ikalawang panalo na magpapanatili sa kanilang paghawak sa liderato ang kapwa pupuntiryahin ng John-O Juzz at ICTSI-La Salle sa magkahiwalay na laban ngayon sa PBL Chairman’s Cup na ang aksi-yon ay dadako sa Pasig Sports Complex.

Susukatan ng lakas ng Blu Sun Power ang John-O Juzz sa alas-4 ng hapon, habang makikipagtunggali naman ang ICTSI-La Salle sa Ana Freezers sa main game sa alas-6 ng gabi.

Mauuna rito, sasabak na sa aksiyon ang RP-Youth Team kontra Kutitap sa alas-2 ng hapon bilang pampagana kung saan tangka ng National na makapagsagawa ng isang magandang debut.

Isang sorpresa ang ginawa ng Juzzers sa opening nang kanilang silatin ang Ana Freezers, 102-101 at ang panalong ito ang nais na duplikahin ng Juzzers.

"Luck was on our side then but against Blu, they’ve been together for quite a long time compared to us. And even if we won our debut game, there’s a lot of adjustments we have to do," wika ni coach Manny Dandan.

vuukle comment

ANA FREEZERS

BLU

BLU SUN POWER

IKALAWANG

JOHN-O JUZZ

JUZZERS

LA SALLE

MANNY DANDAN

PASIG SPORTS COMPLEX

YOUTH TEAM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with