^

PSN Palaro

PBL Challenge Cup: Ana Freezers kinusot ang Blu

-
Sumingasing ang Ana Freezers sa huling bahagi ng final quarter upang pabagsakin ang Blu Detergent, 96-83 at manatiling buhay ang kanilang pag-asa na makasama sa quarterfinal round ng 2001 PBL Challenge Cup sa Makati Coliseum kahapon.

Humakot si Ariel Capus ng 22 puntos at limang rebounds para sa Freezer Kings, ngunit ang pumukaw ng atensiyon ay ang tambalang Roland Pascual at Ariel de Castro na nagtulungan sa 18-2 run upang ihatid ang Ana sa kanilang ikaapat na panalo matapos ang siyam na laro.

Nalasap naman ng Detergent Kings ang kanilang ikaapat na kabiguan sa 10 laro.

Angat ang Blu sa 64-59 nang kumana ng layup si Capus na sinundan ng tres upang pamunuan ang 13-2 bomba upang agawin ng Ana ang trang-ko sa 72-66, 1:03 ang nalalabi sa laro.

Hindi pa nakuntento, nagsanib ng puwersa sina Pascual at de Castro para sa panibagong atake nang mula sa 72-68 pag-kakadikit ng iskor nagawa nila itong ilayo at palobohin ang kanilang abante sa 90-70, may 3:02 na lamang ang nalalabi sa final canto.

vuukle comment

ANA FREEZERS

ANGAT

ARIEL CAPUS

BLU

BLU DETERGENT

CHALLENGE CUP

DETERGENT KINGS

FREEZER KINGS

MAKATI COLISEUM

ROLAND PASCUAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with