^

Metro

Listong paslit nakaligtas sa kidnap

-
Nakawala at nakatakas mula sa kanyang mga kidnapper ang isang 9-anyos na batang lalaki dahil sa pagiging listo nito makaraang tangkaing dukutin ng isang babae, kamakalawa ng hapon sa Caloocan City.

Nakilala ang biktima na si Mark Edward Claunan, grade 3 pupil ng Sta. Quiteria Elementary School, samantalang agad namang naaresto ng mga tauhan ng pulisya ang suspect na si Jona Ramirez, 26, dalaga at residente ng Regal St., Project 8, Quezon City.

Batay sa pahayag ng biktima sa pulisya, ganap na alas-3 ng hapon kamakalawa habang naglalaro ang bata sa harapan ng naturang paaralan habang hinihintay ang kanyang ina na susundo sa kanya ng bigla itong lapitan ng suspect.

Sinabi umano ng suspect sa biktima na ipinasusundo siya ng kanyang ina na naghihintay malapit sa simbahan, di kalayuan sa paaralan.

Dahil sa pahayag ng suspect, agad na nagtiwala at sumama ito sa suspect.

Nang marating nila ang simbahan ay hindi nakita ng bata ang kanyang ina, bagay na kanyang pinagduda kaya nagdahilan siya sa babaeng kidnapper na kailangan niyang bumalik sa paaralan dahil sa may naiwan siya.

Hindi naman inakala ng suspect na nagda-drama ang bata kaya pinaunlakan niya ito.

Nang makarating sa paaralan agad na humingi ng tulong ang batang biktima sa mga magulang na sumusundo sa kanilang mga anak hanggang sa dumating ang mga pulis na nagpapatrulya malapit sa nabanggit na lugar.

Sa pagkakataong ito hindi na nagawa pa ng suspect na makatakas at agad siyang dinumog ng mga tao sa paaralan.

Ang suspect ay kasalukuyang nakapiit sa Caloocan City Police detention cell at inihahanda na ang kaso laban dito. (Ulat ni Angie dela Cruz)

ANGIE

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY POLICE

JONA RAMIREZ

MARK EDWARD CLAUNAN

NANG

QUEZON CITY

QUITERIA ELEMENTARY SCHOOL

REGAL ST.

SUSPECT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with