^

PSN Palaro

Regent Cheeseball nagpatatag sa PYBL Title Cup

-
Pinabagsak ng Regent Cheese Ball ang National University, 79-76 upang patatagin ang kanilang kampanya sa pagpapatuloy kahapon ng 1st Crystal Spring-PYBL Title Cup sa Makati Coliseum.

Maagang ipinadama ng Regent ang kanilang determinasyon nang iwanan kaagad ng 14 puntos na kalamangan sa unang bahagi ng laro ang NU Bulldogs sa 24-10, pina-lobo ito sa 65-50 sa pagtatapos ng third canto.

Ngunit sinikap ng NU Bulldogs na makaahon mula sa kanilang pagkakalubog at nakalapit sila sa isang puntos na lamang, 77-76, 37.3 segundo ang nalalabi sa laro.

Pero di rin nagtagal ang kanilang pagsisikap, nang mabilis na humugot ng foul si Robert Sierra mula kay Jeff Napa dahilan upang tumuntong ito sa charity lane, patungong 15.7 segundo na lamang sa oras.

Kampanteng isinalpak ni Sierra na tumapos ng 18 puntos ang dalawang freethrows na naglagay sa Snack Experts sa matatag na katayuan.

Sa iba pang laro, naungusan ng Gringo-Konica ang mahigpit na hamong ibinigay ng Whiz Super Oil Treatment, 73-69. (Ulat ni Carol Fonceca)

vuukle comment

CAROL FONCECA

CRYSTAL SPRING

JEFF NAPA

MAKATI COLISEUM

NATIONAL UNIVERSITY

REGENT CHEESE BALL

ROBERT SIERRA

SNACK EXPERTS

TITLE CUP

WHIZ SUPER OIL TREATMENT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with