^

Probinsiya

COVID-19 response ng Bulacan ibinida ni Gov. Fernando

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon

MALOLOS CITY, Bulacan, Philippines — Iprinisinta ni Gobernador Daniel Fernando ang mga pangunahing nagawa ng Lalawigan ng Bulacan kaugnay ng pagresponde sa COVID sa Regional Task Force (RTF) 3-Coordinated Operations to Defeat Epidemic (CODE) Team sa ginanap na pagpupulong kasama ang Provincial Task Force (PTF) on CO­VID-19 ng Bulacan kahapon.

Ibinida ni Fernando sa RTF-CODE Team ang mga hakbang ng Bulacan laban sa COVID-19 kabilang ang pagbuo ng PTF on COVID-19; Incident Command Team for COVID-19; pasilidad para sa COVID-19 kabilang ang Bulacan Infection Control Center, Bulacan Molecular Diagnostic Laboratory, at Bulacan Mega Quarantine Facility; pagpapatupad ng COVID-19 Surge Capacity Plan; mahigpit na pagpapatupad ng community qua­rantine; economic at social recovery; at ang inisyatibo kaugnay ng Disaster Risk Reduction and Management ng lalawigan.

Binigyang diin niya ang kahalagahan ng pagbalanse ng kalusugan at ekonomiya na naging susi sa pagtalo sa pandemya sa lalawigan sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan ng Pamahalaang Panlalawigan sa DTI, DOLE, at TESDA, kung saan napabuti ang kabuhayan at trabaho na naging determinant ng economic recovery sa Bulacan. 

Ibinahagi rin ni P/Col. Lawrence Cajipe ang kanilang pagpapatupad ng border control sa pamamagitan ng pagtatayo ng 29 Quarantine Control Points at 40 Law Enforcement Check Points sa buong lalawigan.

Samantala, iminungkahi ng gobernador ang pag-hire ng mga contact tracers sa ilalim ng programang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) ng Department of Labor and Employment (DOLE) upang punan ang pangangailangan ng lalawigan sa mahigpit na contact tracing bunga ng pagtaas ng kaso na iparara­ting ng RTF sa nasyunal na tanggapan ng DOLE.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with