^

Punto Mo

Kung paano ka ­husgahan base sa ­hitsura mo

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

ANG mga sumusunod na “human attractive facts” ay bunga ng pagsasaliksik ng mga psychologist sa U.S.:

• Mas binibigyan nang mahabang oras ng neonatal nurses ang mga bagong silang na sanggol na cute, healthy at may normal weight samantalang mas maikling oras lang ang inilalaan nila sa mga hindi gaanong magandang sanggol at may mababang Apgar score. Ang sanggol ay iniiskoran ng 1 to 10 base sa health ng isang sanggol pagkaraang lumabas sa sinapupunan. Mas mataas ang number, mas healthy ang sanggol. Ang score na 7, 8, 9, 10 ay normal at may senyales na healthy sila.

• Nadiskubre ng mga researchers na mas binibigyan ng atensiyon ng isang ina ang mas attractive nilang anak na mabait kaysa less attractive.

• Sa eskuwelahan, ang mga may hitsurang estudyante ay mas nabibigyan ng atensiyon ng titser at sila ang hinihikayat na mag-aral mabuti. Dagdag pa dito, hindi sila napapagalitan at binibigyan ng mataas na grade lalo na at sipsip ang estudyante.

• Paglaki ng sanggol na ipinanganak noong  nasa 30’s pa ang kanyang ina ay mas naaakit sa opposite sex na may matured face.

• Sa college students, kapag binibigyan nila ng rate ang performance ng kanilang professor, ibinabase nila ito sa physical attractiveness at hindi sa content ng lecture at communication skills.

• Ang mga babaing umiinom ng birth control pills ay mas attracted sa lalaking macho na may matambok na muscles. Samantalang ang hindi gumagamit ng birth control pills ay hindi naaakit sa mga macho. (Itutuloy)

vuukle comment

PSYCHOLOGIST

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with