^

Punto Mo

Uniporme ng People’s Liberation Army

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

HINDI na biro ang mga natatagpuan sa mga sinalakay na POGO hubs sa Porac, Pampanga. Bukod sa mga sophisticated na computers, laptops at iba pang gadgets, pati mga uniporme ng People’s Liberation Army (PLA) ay natagpuan din. Sinalakay ng Presidential Anti-Organize Crime Commission ang POGO hubs sa Porac noong Hunyo 2. Dalawang beses sinalakay ang POGO hubs dahil sa natanggap na reklamong may nagaganap na human trafficking sa lugar. Ang POGO hubs sa Porac ay nasa 10 ektaryang lupain at may 46 na gusali. Bukod sa natagpuang PLA uniforms, may mga natagpuan ding sex toys, pera at iba pa na nagpapatibay sa hinalang may nagaganap na prostitusyon sa POGO hubs.

Sa mga natuklasang ito, ang mga uniporme ng PLA ang lubhang naghahatid ng pangamba. Posibleng may mga sundalong Chinese sa POGO hubs at nagsasagawa ng pagmamanman sa bansa. Posible rin na sa mga gusali namamalagi ang mga sundalong Chinese. Hindi dapat ipagwalambahala ang mga natagpuang uniporme ng PLA. Dapat mag-imbestiga. Sabi ng PAOCC maaaring props lamang ang mga natagpuang uniporme. Para saan ang props!

Kung may natagpuang PLA uniforms sa POGO hubs sa Porac, posibleng mayroon din sa POGO hubs sa Bamban, Tarlac. Palagay ko naitago lang ang mga ito.

Sabi ng PAOCC, mayrooon daw 300 illegal POGOs sa iba’t ibang bahagi ng bansa. Kung ganito karami ang POGOs sa bansa at “napasok” na ang mga ito ng PLA, delikado ang bansa. Maaaring magising na lang tayo na sakop na ng China.

Malakas ang panawagan na palayasin na ang POGOs sa bansa dahil sa mga nagaganap na krimen at banta rin ito sa seguridad. Maraming senador na ang nananawagan na buwagin na ang POGOs. Sa House of Representatives, may mambabatas na naghain ng panukalang alisin na ang POGOs.

Pero umaalma ang PAGCOR. Malaki raw ang sinasampang kita sa bansa ng POGOs.

Ano ba ang mahalaga, kita o ang banta ng POGOs sa seguridad ng bansa?

vuukle comment

POGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with