^

Probinsiya

Misis kinatay ni mister dahil sa SIM card!

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Misis kinatay ni mister dahil sa SIM card!
Patay agad dahil sa malalalim na taga at saksak sa labas ng kanilang bahay ang biktima na kinilalang si Mercy Grutas Palmiano, 30-anyos habang tinutugis na ng mga pulis ang tumakas na mister na kinilalang si Jolito Palmiano, nasa hustong gulang.
The STAR/ File

BUHI, Camarines Sur, Philippines — Karumal-dumal na kamatayan ang sinapit ng isang misis sa kamay mismo ng sariling mister matapos siyang pagtatagain at pagsasaksakin makaraan ang kanilang pagtatalo dahil lang umano sa Sim card sa Zone-1, Brgy. San Jose Salay, Buhi, Camarines Sur ka­makalawa ng madaling araw.

Patay agad dahil sa malalalim na taga at saksak sa labas ng kanilang bahay ang biktima na kinilalang si Mercy Grutas Palmiano, 30-anyos habang tinutugis na ng mga pulis ang tumakas na mister na kinilalang si Jolito Palmiano, nasa hustong gulang.

Sa ulat, dakong alas-12:58 ng madaling araw dahil umano sa “SIM card” sa cellphone at “posibleng selos” ay mainit na nagtalo ang mag-asawa.

Sa gitna ng pagtatalo ay kumuha ng gulok ang suspek saka walang habas na pinagtataga sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang misis na duguang humandusay sa labas ng kanilang bahay at agarang nasawi.

Mabilis na tumakas ang suspek matapos na mapatay ang kabiyak.

Isa sa mga anggulong tinitingnan ng pulisya sa krimen ay posibleng matinding selos, kung saan pinagdududahan ng mister na may ibang ka-chat ang biktima gamit ang pinag-aawayang SIM card na ikinaburyong ng suspek.

vuukle comment

SIM CARD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with