^

PSN Palaro

Nadal hanga kay Eala

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Nadal hanga kay Eala
Rafael Nadal and Alex Eala
William West / AFP , POC Media Pool

MANILA, Philippines — Hangang-hanga si Grand Slam champion Rafael Nadal sa husay at galing ni Pinay tennis sensation Alex Eala.

Bagama’t hindi nakikitang nanonood ng personal sa mga laro ni Eala, nakasubaybay si Nadal sa mga laban ng Pinay netter.

Iskolar si Eala ng Rafa Nadal Academy sa Mallorca, Spain.

Ang Rafa Nadal Academy din ang nagdadala ng mga coaches at trainers ni Eala sa mga laban nito sa WTA Tour.

Kaya naman madaling nakukuha ni Nadal ang mga reports sa bawat laro ng Pinay player.

Sa mahigit isang taon nito sa WTA Tour, bumilib si Nadal sa kakayahan ni Eala.

Kaya nitong makipagsabayan sa mga world-class tennis players na nakita na ng lahat sa mga nakalipas na laban nito.

Ilan lamang sa mga popular na panalo ni Eala ay laban kay 2025 Wimbledon champion Iga Swiatek ng Poland at ngayon ay kay world No. 1 Elena Rybakina ng Kazakhstan.

Naniniwala si Nadal na malayo pa ang mararating ni Eala dahil inaasahang mas tataas pa ang lebel ng laro nito sa mga susunod na taon.

“She still has plenty of room to grow. One of her greatest strengths is precisely her ability to listen, learn and keep improving,” ani Nadal.

Hanga rin si Nadal sa magandang character ni Eala sa loob at labas ng court.

Madali itong turuan at mabilis sumunod sa mga instructions na bagay na mas magpapalakas sa kanya sa mga susunod na panahon.

RAFAEL NADAL

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with