^

Metro

OFWs inalerto ng OWWA sa pekeng loan na hanggang P2 milyon

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagbabala ang  Overseas Wor­kers Welfare Administration (OWWA) sa publiko lalo na sa overseas Filipino workers (OFWs) na huwag maniwala sa isang Facebook account na may logo ng OWWA at nagpapanggap na ahensya ng gobyerno  sa alok na ‘ emergency loan’ na mula P100,000 hanggang  P2 milyon.

Sa advisory, inilantad ng OWWA ang profiles sa FB na “Rochelle May Loan” na gumagamit ng opisyal na logo o larawan ng OWWA at nag-aalok ng emergency loan at iba pang serbisyo.

 “Beware of scammers. There are accounts using the official logo of OWWA to entice the public to its loan pending scam”. “Let us not be fooled by these scammers that are offering programs and services of OWWA,” ayon sa advisory.

Ang FB wall ng nasabing scammer ay puno umano ng mga larawan ng iba’t ibang indibidwal na umano’y gumamit na ng kanilang mga serbisyo.

Hinikayat ng ahensya ang publiko na iulat ang mga kahina-hinalang Facebook account na gumagamit ng pangalan at logo nito sa kanilang opisyal na email address sa [email protected] at mga numero ng telepono +639175805720 at+632 (8)551-6638.

vuukle comment

OFW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with