^

Bansa

Akusasyon vs PNPchief pinabulaanan

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Akusasyon vs PNPchief pinabulaanan
PNP Chief Gen. Marbil.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Mariing itinanggi ni Philippine National Police (PNP) chief PGen. Rommel Francisco Marbil ang  akusasyon ng  pagtatanggal ng rice allowance ng kanyang mga tauhan at ibinibigay sa mga persons deprived of liberty (PDL).

Ayon kay Marbil, walang basehan ang nasabing akusasyon at sa katunayan ay wala siyang inilalabas na direktiba hinggil dito.

Malinaw anya na plano ng ilang indibidwal na sirain ang kanyang reputasyon.

Sinabi ni Marbil na ang malisyosong pag-atake sa kanya ay paghahasik ng kasinungalingan at taliwas sa kanyang layunin na ibalik ang dangal at matinong pagseserbisyo sa publiko.

Tiniyak ni Marbil na may mga kasamahan siya sa PNP na tatamaan sa kanyang mga reporma. Aniya, nanindigan siya na ang kayang katapatan ay nasa publiko.

Dahil dito, binalaan ni Marbil ang mga taong naglalayong sirain ang kanyang reputasyon at hadlangan ang kanyang mga plano sa PNP.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon upang  matukoy ang posibleng nasa likod ng ipinalakat na maling akusasyon laban sa kanya.

vuukle comment

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with