^

PSN Opinyon

La Viuda (15)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

SA isang silid sa mansiyon, abala si Kristina sa pagtuklas ng paliwanag para sa mga nasaksihan kagabi. Hinahanap niya ang mga papeles ni Emilio para tingnan ang death certificate nito kung totoo bang namatay na ito at ang birth certificate kung may kakambal ba ito.

Hindi man gawain ni Kristina na mangialam sa gamit ng iba, gusto na niyang magkaroon nang malinaw na paliwanag. Nasira na kasi ang roman­­tikong pantasya na binibisita siya ng multo ng asawa. Ang kadena sa binti ng lalaking dumadalaw sa kanya gabi-gabi ay patunay na hindi ito espiritu kundi tao na nakagapos sa mausoleo. 

ISANG hapon, habang abala ang mga katulong sa paghahanda ng hapunan, dahan-dahang pinasok ni Ernesto ang opisina ng kanyang ina na si Doña Presentacion. Nagulat siya nang ma­kitang naroon si Kristina!

“Anong ginagawa mo rito?” tanong niya sa dalaga.

“Wala. Mali lang ang napasok kong kuwarto. Ang akala ko ay narito ang kasilyas,” kinakaba­hang paliwanag ni Kristina.

Dama ni Ernesto na nagpapalusot lang ang dalaga. Gusto niya sanang paaminin kung anong totoong pakay nito sa opisina pero dahil marami pa siyang balak sa babaing ito, pinalampas niya. Nang lumabas si Kristina sa opisina, dahan-dahan ibinulsa ni Ernesto ang ekstrang set ng mga susi ng ha­cienda, kabilang ang susi sa mausoleo.

HATINGGABI sa mausuleo, nakaupo si Kristina sa dulo ng higaan, naghihintay. Lumipas ang mga oras at nanatiling tahimik sa ibaba. Walang dumating. Walang kaluskos ng kadena. Kinabahan si Kristina. Anuman ang nangyari sa lalaki sa ilalim, tiyak na hindi maganda.

Bago pa man siya makahakbang patungo sa hagdanan, may kumalansing na bakal sa ibaba. Napasinghap si Kristina sa akalang dumating na ang “asawa.” Ngunit nang umakyat ang anino sa ikalawang palapag at matamaan ng liwanag ng buwan, tumigil ang tibok ng kanyang puso. Hindi ang nakakadenang asawa ang nakatayo sa tapat ng kanyang kama kundi si Ernesto. Nakaloloko ang ngiti nito habang pinaiikot sa daliri ang ninakaw na susi ng mausuleo. “Magandang gabi, mahal kong hipag,” sabi nito.

Itutuloy

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with