3 tsuper ng PUV, tepok sa heat stroke!
MANILA, Philippines — Tatlong tsuper ng public utility vehicle (PUV) sa Pangasinan ang naiulat na namatay dahil umano sa heat stroke.
Ayon kay Bernard Tuliao, pangulo ng One Pangasinan Transport Federation, ang dalawa sa mga nasawi ay miyembro ng kanilang grupo na may rutang Calasiao-Dagupan.
Ang ikatlong nasawi naman ay bumibiyahe sa silangang bahagi ng Pangasinan.
Ani Tuliao, ang unang nasawi ay noong Abril dahil sa mataas na blood pressure dulot ng mataas na heat index.
Nagpaabot na ng tulong sa pamilya ng tatlong biktima.
Paalala ng PAGASA, ugaliing uminom ng tubig at huwag magbilad sa init ng araw. Kung nakakaramdam ng pagod, makabubuting magpahinga.
- Latest