^

PSN Opinyon

‘Wow mali’ sa PNP

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

Sino kaya itong mataas na opisyal sa Cabinet ni President Ferdinand Marcos Jr., na nasa likod ng pera-perang promotion sa hanay ng Philippine National Police (PNP)?

Nitong nakalipas na linggo, na “wow mali’’ Lt. Gen. Emmanuel Peralta sa pagiging OIC sa PNP. Maraming media personalities ang nalanse sa kalatas na nagmula sa tanggapan ni Executive Secretary Lucas Bersamin sa pagtalaga kay Peralta bilang OIC.

Kabilang ako sa nakaranas ng April Fools Day, subalit mas masakit sa panig ni Peralta na inaasahan na ang pagi­ging OIC kapalit ni dating PNP chief Benjamin Acorda Jr.

Hanggang sa ihayag ang mensahe ni PBBM na si Gen. Rommel Francisco Marbil ang bagong PNP chief. Kaya marami ang nagtaka at nagkaroon ng pagdududa na may Cabinet official na gumagawa ng monkey business sa pagtalaga sa opisyal ng PNP.

Dapat itong alamin ni PBBM. Kung magpapatuloy, ma­rami pang mabibiktima at bababa ang moral ng kapulisan sa hinaharap. Dapat maging maingat si PBBM sa pagpili ng PNP chief.

Kailangan ding pag-ibayuhin ang pag-amuy-amoy sa lakad ng paborito niyang Cabinet officials. Kung maging­ malamya siya tiyak na marami ang mabibiktima ng opisyal ng kapulisan. Maraming madi-demoralized sa kanilang trabaho.

vuukle comment

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with