^

PSN Opinyon

EDITORYAL — Pangha-harass ng China, patuloy

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL � Pangha-harass ng China, patuloy

Halos kasabay ng pagbomba ng tubig ng China Coast Guard sa resupply mission vessel Unaizah May 4 (UM4) noong Sabado (Marso 23), isa pang pangha-harass ang nangyari ng araw na iyon sa isang team ng mga Pilipinong scientist-researcher sa Sandy Cay 3 at 4. Kung ang mga sundalong nakasakay sa UM4 ay nasugatan dahil sa malakas na pressure ng tubig na ibinuga, nasaktan din ang mga scientist-researchers nang paliparin nang mababa ng China ang kanilang Navy helicopter na may tail number 57.

Dahil sa sobrang baba, nag-alimpuyo ang hangin at nagliparan ang mga debris at tuyong corals. May tinamaan sa braso at mukha. Isang researcher ang muntik malunod dahil tumalon siya sa tubig para makaiwas sa malakas na hangin. Tinatayang 50 feet ang taas ng helicopter kaya napakalakas ng hangin na dulot nito.

Nagsasagawa ng marine resource assessment ang research team mula sa UP Institute of Biology at National Fisheries Research and Development Institute (NFRDI) malapit sa Pag-asa Island nang umikut-ikot sa tapat nila ang helicopter. Sampung minutong tu­magal sa tapat nila ang helicopter. Dahil sa insidente, pinabalik ng mission commander ang research team.

Patuloy ang pangha-harass ng China at maaring magpatuloy pa ito sa mga susunod na araw. Palubha nang palubha ang ginagawa ng China at kung hindi babaguhin ang estratehiya laban sa kanila ay baka mas malala pa ang kanilang gagawin.

Marami nang naisampang diplomatic protest sa China pero sadyang “makapal” ang kanilang mukha. Ang Pilipinas pa ang inaakusahan nilang pumapasok sa kanilang teritoryo at nagpapasimula raw ng gulo.

Baguhin ang strategy o kaya, pauwiin na ang ambassador ng China sa kanilang bansa dahil wala rin naman itong silbi. Nararapat nang magpakita ng “katigasan” ang Pilipinas para makita ng China na lumalaban din pala. Kung pawang pagsasampa ng protesta ang ga­gawin, walang mangyayari. Patuloy na mangha-harass ang China at baka hindi na tubig ang isasaboy nila sa mga Pilipino kundi bala na.

Nararapat namang magkaisa ang mga Pilipino laban sa nangha-harass na China. Dapat maging handa sa lahat ng oras sapagkat walang nakaaalam sa takbo ng utak ng mga Tsino.

vuukle comment

CHINA COAST GUARD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with