^

PSN Opinyon

Sen. Tulfo, na ‘wow mali’ sa akusasyon vs PCSO!

DIPUGA - Non Alquitran - Pilipino Star Ngayon

“Paki-claim!” ‘Yan ang kasagutan ni Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Mel Robles patungkol sa akusasyon ni Sen. Raffy Tulfo na may nanalo sa lottery games ng 20 beses sa loob ng maikling panahon.

Ipinaliwanag ni Robles na ang claim ng premyo ng 20 beses ay hindi nangangahulugan na nanalo na ang claimant ng 20 times. At hindi jackpot lottery games ang pinag-uusapan kundi ang Digit Lottery games kung saan ang premyo ay P10,000 pababa.

Mukhang hindi nag-research ang kampo ni Tulfo bago niya binato ng negatibong akusasyon ang PCSO, ‘no mga kosa? Hehehe! Gibaan blues na kaya ito? Ano pa nga ba?

Ang akusasyon ni Tulfo ay nagdulot ng hindi magandang imahe sa mga Pinoy na hindi naintindihan ang pro­seso ng mga palaro ng PCSO, lalo na sa Lotto. Ayon kay Robles, ang detalye ni Tulfo ay galing din mismo sa opisina ng PCSO. Na-twist lang ito para palabasin na may nangyayaring kahindik-hindik o dayaan sa lottery games ng ahensiya.

Siyempre, nagdudulot ito ng duda sa mga parukyano o mananaya ng lotto, di ba mga kosa? Wala naman sigurong masamang intensiyon si Tulfo sa ginawa niya kundi pagpaliwanagin lang ang PCSO sa isyung ito. Get’s n’yo mga kosa?

Mismooo! Hehehe! Kailangan pa bang i-memorize ‘yan?

Ayon kay Robles, ang tinutukoy ni Tulfo na 20 claims sa PCSO ay ‘yung mga nanalo sa Digit Games tulad ng 2D, 3D, 4D and 6D. Sa mga palaro na ito, na ang winners ay nanalo ng P10,000 pababa, puwede itong i-claim sa lotto outlet agents o maging ang representante. Dito na pumapasok ang tinatawag ng PCSO na “paki-claim.”

Paano? Dahil minor prizes lang nga ito, ang winner ay maaring makisuyo kahit kanino man na siya ay may tiwala para i-claim ito. Ang requirements lang ay mag-present ng valid ID. Dipugaaa! Hayan, maliwanag na ba mga kosa?

Subalit sa jackpot-bearing games, tulad ng Lotto 6/42, Mega Lotto 6/45, Super Lotto 6/49, Grand Lotto 6/55, at Ultra 6/58, ay walang nanalo rito ng higit sa isang beses. Dahil milyones ang premyo rito, hindi puwede ang “paki-claim,” ayon sa PCSO. Kasi nga kapag winner ka ng jackpot, obligado kang sumipot sa main office ng PCSO sa Mandaluyong City kung saan i-present mo ang winning ticket, sabay labas ng dalawang valid IDs.

Hindi lang ‘yan, tatanungin ka rin kung paano at saan ibabanko ang napanalunan mo, na bawas ng 20 percent tax para sa Universal Health Care na programa ng gobyerno. Mismooooo! Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!

Sinabi pa ni Robles na ang isyu na ni-raise ni Tulfo ay patungkol sa claimant, at hindi kung ilang beses nanalo ang isang mananaya. Kung sabagay, may ilang claimant na sa sobrang layo nila o tamad na pumunta sa lotto outlets ay nakikisuyo na lang sa Good Samaritans na i-claim ang napanalunan nila. Na puwede naman! Tsk tsk tsk!

Miscommunication lang ito, o may nagkakalat ng black propaganda laban kay Robles? Puwede ring na-“wow mali” si Tulfo? Abangan!

vuukle comment

PHILIPPINE CHARITY SWEEPSTAKES OFFICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with