^

PSN Opinyon

Ganap na diborsiyo

IKAW AT ANG BATAS! - Atty. Jose C. Sison - Pilipino Star Ngayon

Nakababahala na muling pinag-aaralan ng Kongreso na isabatas ang ganap na kalag-kasal (absolute divorce) kahit ito ay labag sa saligang batas na nagsasaad na ang kasal ay isang institusyon na di matutunaw. Ganito ang sinasaad ng saligang batas dahil sa maraming mga napakasamang binubunga ng diborsyo tulad ng pagsira sa tahanan at pagdurog sa mga pamilya.

May lunas na ang batas sa mga nagdurusang asawa dahil sa di-matitiis na relasyon bilang asawa. Puwede nang ideklarang walang bisa ang kasal dahil sa mga depekto noong ito ay pinagdiwang o kung ito ay talagang walang bisa sa simula’t simula pa. Sa ganitong mga kalagayan, ang kasal ay may depekto o wala talagang kasal na naganap. Kaya hindi nito nilalabag ang saligang batas na nagsasaad na ang kasal ay di maaaring matibag.

Ngunit sa diborsiyo na minumungkahi ng Kongreso, walang depekto ang kasal na tinitibag. Pinapawalang bisa lang ito dahil sa mga sanhing lumabas lang pagkatapos ng kasal. Dito ay mayroong kasal na may bisa at balido sa simula’t simula pa.

Sa katunayan nga mayroon talagang isang uri ng diborsyo na naghihiwalay lang sa mag-asawa pero kasal pa rin sila. Sa ganitong sitwasyon hindi pa rin sila puwedeng mag-asawa muli sa ibang tao di tulad ng ganap na diborsiyo o “absolute divorce” na kinokonsidera ng kongreso.

Hindi tamang ikatwiran ng kung papayagan natin ang ganap na kalag-kasal, (absolute divorce) pinapaburan natin ang inosenteng asawa, o ang binubugbog na asawa dahil maaari siyang lumusot at umalis sa di matitiis na relasyon. Sa totoo lang pinapaboran pa nito ang asawang nagkasala dahil ang diborsiyo ay pinapayagan pa siya ng pumalag sa kasal sa pamamagitan ng paggawa ng mga aksyon at kilos na sanhi ng pagdidiborsyo.

Kaya kung gagawa pa ng batas na pinapayagan ang diborsiyo o pagkalas sa kasal, sisirain lang nito ang pundasyon ng malakas at buong pamilya na siyang pundasyon ng bayan na dapat protektahan at palakasin ng estado sa pamamgitan ng saligang batas.

vuukle comment

DIVORCE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with