^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Ika-115 sa Corruption Index ang Pilipinas

Pilipino Star Ngayon
EDITORYAL - Ika-115 sa Corruption Index ang Pilipinas

Sa 180 bansa, ika-115 ang Pilipinas sa Corruption Perception Index (CPI) ng Berlin-based orga­nization Transparency International. Noong naka­raang taon, ika-116 ang Pilipinas. Ang mga bansa ay iniiskoran base sa level ng public sector corruption, kung saan ang “0” ang “pinaka-corrupt” at “100” ang “pinakamalinis”. Ang Pilipinas ay may iskor na 34 out of 100. Noong 2022, ang iskor ng Pilipinas ay 33. Ang Denmark ang pinakamalinis, na sinundan ng Finland, New Zealand, Norway at Singapore. Pi­naka-corrupt naman ang Somalia, Venezuela, Syria, South Sudan, at Yemen. Ang data sources ay kinu­lekta ng mga mapagkakatiwalaang institusyon kabilang ang World Bank at World Economic Forum.

Baba-taas-ang ranggo ng Pilipinas sa Corruption Index. Kahit bali-baliktarin, corruption pa rin ang pinag-uusapan dito at malayo pa ang Pilipinas para makaabot sa mas mataas na ranggo. Hindi nakakatuwang pag-usapan ang ukol sa corruption.

Bagama’t nasa ika-115 na puwesto, napanatili naman ng Pilipinas ang mababang score nito sa 34 out of 100. Noong 2018 nasa ika-99 na puwesto ang Pilipinas; 2019 ay ika-113; 2020 ay ika-115; at 2021, ika-117.

Masyadong malayo pa ang tatahakin ng bansa bago maabot ang mataas na antas na walang bahid ng corruption. Sa kasalukuyan, maraming tanggapan ng pamahalaan ang batbat ng katiwalian. Maraming nagpapasasa sa pera ng taumbayan. Mara­ming “buwaya” na walang kabusugan.

Kamakailan lang, apat na abogado ng Bureau of Immigration ang sinibak sa puwesto dahil sa pag-iisyu ng working visas sa mga dayuhan na bogus naman ang mga kompanya. Malaking pera ang kapalit sa pag-iisyu ng visas.

Patuloy din naman ang korapsiyon sa Bureau of Customs kung saan walang patlang ang pasok ng smuggled products kabilang ang bigas, sibuyas at iba pang produktong agrikultura.

Sa Abril ay bayaran na naman ng buwis, tiyak marami na namang opisyal at kawani ng BIR ang mamaman­tikaan ang nguso dahil sa gagawing pag-hokus-pokus sa income tax at iba pang bayarin.

Sa LTO, patuloy din naman ang mga katiwalian na tila hindi na maputul-putol at wala nang kata­pusan. Sa kasalukuyan, lisensiyang papel ang iniisyu sa mamamayan.

Sa PNP, talamak ang ginagawa ng mga pulis para mangotong sa kabila na itinaas na ang kanilang suweldo at benepisyo.

vuukle comment

CORRUPTION

INDEX

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with